Sheena Halili enjoying second wind, thanks to "Marimar"

StarStruck 1 Avenger Sheena Halili was given a chance in her career when GMA-7 gave her the role of Monica in Marimar. Now, the public has taken notice of Sheena.



Among the first batch of StarStruck, GMA-7's reality-based artista search, sina Sheena Halili at Jade Lopez ang most under-rated sa mga babae noong nagsisimula sila. Kasabayan nila noon sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Cristine Reyes, at Katrina Halili na pawang sumikat nang husto at nagbibida na sa TV at pelikula.

Hindi rin naman kasi maiangat si Sheena that time dahil siya ang real life girlfriend ni Rainier Castillo, na mainit pa that time ang love team with Yasmien. Halos natabunan na rin sila ng succeeding batches of StarStruck. With that, Jade decided to just continue her studies sa kanilang bayan sa Pampanga.

Late last year, nabigyan ng chance si Sheena to play the aide kontrabida to Katrina Halili sa Marimar bilang si Monica. Suddenly, she's in again.

So in is Sheena that GMA Artist Center even gave her a solo pocket interview this afternoon, March 7, sa isang restaurant sa T. Morato Ave., Quezon City.

"Ako lang po ang iinterbyuhin?" bungad na tanong ni Sheena, na tila hindi pa rin makapaniwala na solo presscon niya iyon.

"Grabe, I'm so happy sa ginawa po sa akin sa Marimar! Thankful ako sa GMA Artist Center na ipinagkatiwala nila ang role na Monica sa akin. Kaya nga I'm doing my best now," tuwang-tuwang sabi ng young actress.

"Monica" na rin daw ang tawag sa kanya ng mga tao, her character name in Marimar.

Kuwento ni Sheena, "Sa mga motorcade po, alam ko naman mas malalaking artista ang nakakasama ko, ‘tulad nina Marian Rivera and Dingdong Dantes, so kuntento na akong makasama nila. Pero nagugulat ako may tumatawag din sa akin na Monica. Sabi nila, natutuwa raw po sila character ko. Sabi ko naman thank you kasi nag-e-enjoy din naman po talaga ako."

SHEENA'S NEXT PROJECT. This early, may promise na rin kay Sheena na kasunod na show after Marimar ends next Friday, March 14. Pumirma na rin ng another contract si Sheena with GMA Artist Center for two years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasabi na po sa akin na may kasunod akong show after Marimar, pero hindi ko pa po alam," banggit niya.

Nababanggit ang pangalan ni Sheena bilang isa sa possible sirena sa Marimar. Kahit siya ay naririnig na rin ito.

"Wala pa naman pong nagsasabi sa akin. Pero kung kasama nga ako, salamat ng marami."

We asked Sheena kung marunong siyang lumangoy, "nakakalangoy naman" ang sagot niya sabay tawa.

Another fringe of her popularity, bigla siyang nakasama sa cast ng ginagawang movie ng Regal Entertainment na Love Is All That Matters bilang kaibigan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

"Kakatanggap ko pa lang po ng script, ‘tapos bukas shooting agad. Parang ang blessed ko naman, thanks to Marimar," masayang sabi ni Sheena.

ARTHUR & RAINIER. Naging popular talaga ang tambalan nila ni Katrina bilang si Angelika sa Marimar. Kahit si Monica, nabigyan na rin ng leading man—si Arthur Solinap.

"Natatawa nga po kami na biglang kami ang na-pair," sabi ni Sheena.

Nanliligaw ba sa kanya si Arthur?

"Naku, hindi po!" mabilis niyang tanggi. "Tito nga po ang tawag ko sa kanya. Ginagawa lang po namin ito for the show, pero friends lang po talaga kami."

After Rainier, Sheena has decided to be single by choice. Although inamin niyang may mga nanliligaw sa kanyang non-showbiz.

"Kaya lang, baka hindi nila kayanin ang trabaho ko. Ngayon kasi, focused na ako sa career ko lalo pa't nabigyan ako ng ganitong second chance. ‘Tapos hindi rin ako makahinto sa pag-aaral kasi binigyan ako ng special projects ng school ko para lang hindi ako mag-dropout," aniya.

Biro namin, bakit dati napapagsabay niya ang lahat?

"Naku, hindi po ha!" natatawa niyang sabi. "Dati, love life lang ako kaya walang nangyari sa career ko. Hindi rin ako nakakapag-aral noon. Ngayon, iba na."

Okay ba sa kanya na maitambal ulit kay Rainier, lalo na't wala na itong partner dahil may JC de Vera na si Yasmien?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay lang po, trabaho lang naman," maikling tugon ni Sheena.

Okay lang bang magkasama-sama sila nina Rainier at Yasmien ulit just like their first and only show noon, ang Joyride?

"Ay, huwag na po. Ang tagal ko nang naging kontrabida sa love team nila, tama na yun," sagot niya.

Ang dream ngayon ni Sheena, mabigyan naman siya ng chance na magkaroon ng isang romantic-comedy movie. Okay lang sa kanya kung sino man ang i-partner sa kanya—kahit either si Rainier or si Arthur—pero may preferred leading man siya.

"Basta tall, dark, and handsome," sambit ni Sheena.

Side remark ni Sheena, hindi naman daw tall si Rainier at hindi dark si Arthur kaya natawa kami na parang sinasabi niya na kung puwede ay iba na lang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN