Marian Rivera and Katrina Halili kiss and make up again

Marimar co-stars Katrina Halili (left) and Marian Rivera (right) have reportedly settled their differences once again. Katrina gave Marian a jacket from her trip in Taiwan as a peace offering.



Bati-galit, galit-bati, bati na naman ang dalawang bidang babae sa Marimar na sina Marian Rivera at Katrina Halili.

Hindi itinago nina Marian at Katrina noon nang magkaroon ng tensiyon sa kanilang dalawa sa set ng Marimar. Ang explanation ng dalawa, amidst the blind items, hindi naman daw kasi sila nagkaroon ng chance para makapag-bond dahil magkahiwalay sila ng unit at nagkataon pang magkaaway ang characters nila.

This doesn't get in the way for a smooth working relationship naman between the two female stars of the number one primetime soap in Philippine television today.

Last December, pagkatapos lumabas ang silent war sa pagitan nila, nagkaayos ang dalawa dahil may kanya-kanya silang pinu-promote na festival movie. Balitang niregaluhan pa ni Katrina si Marian ng damit na personal na inabot ni Katrina with matching beso-beso.

Late last month, nagsimula na naman ang series of blind items sa kanilang dalawa na may tension na naman daw na nangyari sa isang morning talk show. Hindi na naman daw nagpapansinan sina Katrina at Marian sa set, to think na this time, palagi na silang magkasama.

Bago pa man ito mapangalanan, from a co-star, confirmed na ayos na naman sina Marian at Katrina. This time, more sincere na ang pagbabati nila.

"Nang pumunta sa Taiwan si Kat [palayaw ni Katrina] to shoot a commercial, may pasalubong siya kay Marian," kuwento ng kanilang co-star.

It's a red Hello Kitty jacket, the expensive and authentic type. Mahilig sa Hello Kitty si Marian kung kaya't may sincerity ang pagbili ni Katrina sa nasabing jacket para i-consider ang kahiligan ni Marian sa Hello Kitty.

Naibigay na ito ni Katrina kay Marian.

Next week na ang pagtatapos ng Marimar with a mixture of taped and live segments.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN