Baron Geisler to star and co-produce gay-themed indie film

"I don't think tatagal ako ng ilang linggo doon [PBB house] na hindi makikita angkung anumang signs ng pagiging gay sa akin, simply because I'm not gay.Kaya wala akong kinatatakutan sa kung anong magiging effect sa akin ngrole na gagampanan ko sa indie film project na 'yon na uumpisahannamin," says Baron Geisler about playing a gay role in Jay.



Excited si Baron Geisler sa nangyayari sa kanyang career. He will soon start shooting for a gay-themed indie movie titled Jay, which he's actually co-producing. Bukod pa rito ang katatapos lang niyang Torotot (Destierro) para sa Viva Digital. Kasama rin siya sa cast ng Star Cinema comedy na Supah Papalicious, kung saan sumusuporta siya kina Vhong Navarro, Makisig Morales at Valerie Concepcion.



Medyo lumalayo si Baron sa kung anu-anong kontrobersiyang nagsasangkot sa kanya tungkol sa diumanong drinking problem.



"So far, okay naman ako. Masyado lang naging eksaherado yung ibang lumabas," sabi ni Baron sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "I'm trying to go through these counseling sessions. So far, so good. Yun lang naman ang masasabi ko. Mas mabuti sigurong makita na lang ng mga tao yung pagbabago kaysa magsalita pa ako about it.



"Hindi ko naman masu-solve ang problemang ito if I won't deal with it, with the help of some people. Pero siyempre, alam kong ako lang naman ang makatutulong talaga sa sarili ko."


Napag-alaman ng PEP na nag-usap din pala sila ni Mark Anthony Fernandez, na umamin sa kanyang drug problem at ngayo'y nakikitaan na ng pambihirang pagbabago. Inamin ni Baron na tinutulungan siya ni Mark sa maraming aspeto ng ganitong problema.



"Ang sa akin nga lang, yung 'pag nakakainom ako, may pagbabago talaga. I just have to do something about it. Yung pag-uusap namin ni Mark, nakaka-inspire, nakatutulong. For now, I just have to put it that way," pagtatapat ni Baron.



GAY ROLE. Idinidirek ng relatively unknown filmmaker na si Francis Pasion, ang pelikulang Jay ay pinag-interesan ni Baron despite some protests sa ilang nagmamalasakit sa career niya.



"Bakit ko raw gustong gumanap na bading?" sabi ni Baron. "Baka raw magkaroon ng negative effect sa image ko 'yon. At ano ba kasi ang image ko?



"Nakakatawa dahil sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2, nakita na ng mga tao kung ano ako talaga roon. I don't think tatagal ako ng ilang linggo doon na hindi makikita ang kung anumang signs ng pagiging gay sa akin, simply because I'm not gay. Kaya wala akong kinatatakutan sa kung anong magiging effect sa akin ng role na gagampanan ko sa indie film project na 'yon na uumpisahan namin," paliwanag ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



In other words, naniniwala si Baron na pagdating sa imaging, he can tackle a wider variety of challenging roles at ito ang gusto niya.



"Jay is about a gay serial killer. Gagampanan ko ang role ng isang gay filmmaker, and mind you, it's not an easy role. Talagang nag-o-observe ako ngayon, dahil ibang-iba ang portrayal ko dapat doon sa ginawa ko sa Jologs noon na may pagka-screaming [faggot].



"This time, it has to be quiet and subtle. Gusto kong naiibang Baron Geisler ang mapapanood nila sa movie, if ever," saad ni Baron.



Iba nga ang perspektibo ni Baron bilang aktor. Kung sabagay, sa sinasabi nga raw "topak" nito lumilitaw rin ang kanyang pagiging artist.



"I'm so glad na kasama rin ako sa Torotot, and they will see a more mature Baron there. It's a controversial film about adultery, and it will stir much curiosity, I think," aniya pa.



PLAYING JUDAS. This Lenten season, gaganap si Baron bilang Judas sa isang street play na may pamagat na "Kuwaresma."



"I will have scenes with Christopher de Leon, who will play the role of Lazarus. Just the mere thought of it really excites me. Besides, teatro 'yon, sa kalye nga lang gagawin. Pero ganoon pa rin ang concept," ani Baron.

Sa kabila ng ilang kontrobersiya, gusto pa ring bumangon ni Baron nang tuluyan. Positibo ang tingin niya sa maraming opportunities na dumarating.



"Sinabihan na ako sa ABS-CBN that I will be included in a teleserye," pagbabalita ni Baron. "After PBB, happy ako sa reaction ng mga tao. Akala ko nga after that, wala na. Ganoon na lang 'yon. But there's still life pala, and I can feel the support of a lot of people.



"Kahit hindi ako napasama sa Big Four, okay na sa akin 'yon. Hindi lang naman 'yon ang ina-aspire ko. Actually, sumali ako sa PBB para malayo ako sa gimikan kapag gabi. Which for a time talaga, nakaganda sa akin. Hanggang ngayon naman, okay lang ako. Nakatagal ako ng more than eight weeks sa Bahay ni Kuya, and it was good enough," sabi ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN