GMA Films brushes off fears that Gabby Concepcion will not do comeback movie

Amidst speculations that Gabby Concepcion will not do his comeback movie, GMA Films revealed that he already signed a contract last year and was given downpayment.



Marami pa rin ang hindi naniniwalang matutuloy ang comeback movie ni Gabby Concepcion dahil marami nang movie offers na tinanggihan ang isa sa pinaka-in demand na leading man noon.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na may mga tumatawag sa GMA Films at nagsasabing huwag pasisigurong gagawin ni Gabby ang My Holiday-Off (The Love Cruise), hangga't hindi natatapos ang pelikula.



Pero kampante ang mga taga-GMA Films na gagawin ni Gabby ang pelikula dahil pumirma na siya ng kontrata last year pa. Dinala raw mismo ng mga producer sa Amerika ang kontrata at dun ito pinirmahan ng aktor.



Nalaman din ng PEP na naibigay na ng GMA Films kay Gabby ang downpayment sa tatanggapin nitong talent fee na malamang malaki and in dollars dahil sa Amerika niya ito gagastusin.



Sa Italy ang shooting ng pelikula na magsisimula sa April 2. Tiyak na mag-e-enjoy si Gabby sa kanyang role na pag-aawagan siya nina Jolina Magdangal at Rufa Mae Quinto.

Ang huling pelikulang nagawa ni Gabby ay ang Ayoko na Sanang Magmahal noong 1996.

His other memorable films are Underage, Katorse, Dear Heart, P.S. I Love You, Burgis, My Only Love, Don't Cry For Me Papa, Sa Hirap at Ginhawa, Dapat Ka Bang Mahalin?, Pati Ba Pintig ng Puso?, Mga Kuwento Ni Lola Basyang, Pinulot Ka Lang Sa Lupa, Nagbabagang Luha.

Rosenda, Rosa Mystica, Pahiram ng Isang Umaga, Abandonada, Pangako ng Puso, Bakit Ikaw Pa Rin?, Hahamakin Lahat, Una Kang naging Akin, Kailan Ka Magiging Akin?, Tayong Dalawa, Sinungaling Mong Puso, Narito ang Puso Ko, Tayong Dalawa, Minsan Lang Kitang Iibigin, Iukit Mo Sa Bala, Loretta, and others.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN