Lolit Solis says 'No' to giving public apology

Controversial talent manager and TV host Lolit Solis refuses to give in to Annabelle Rama's (inset) demand. Lolit stressed that she won't issue a public apology, contesting that some of her remarks were tongue-in-cheek and should not be taken seriously.


Bagama't nagbigay na ng kanyang paumanhin ang controversial talent manager-TV host na si Lolit Solis sa buong Gutierrez family ay mariin pa rin nitong pinanindigan na hinding-hindi siya magbibigay ng public apology gaya ng hinihingi ni Annabelle Rama.

"I will never do that," sambit ni Lolit, "I think I have not done anything wrong," matapang na dagdag nito nang makapanayam kahapon, March 9, sa pamamagitan ng telepono nina Showbiz Central hosts John "Sweet" Lapus at DJ Mo Twister.

Recently nga ay naging maugong ang hidwaan at word war sa pagitan nina Manay Lolit at Annabelle matapos ipagtanggol ng una ang alaga nito na si Lani Mercado sa diumano'y pang-iisnab nito kay Ruffa Gutierrez—na na-link noon sa asawa nito na si Senator Bong Revilla—on two separate occasions.

NO HARM INTENDED. Lalong nagalit si Annabelle matapos magsalita si Lolit sa radio program ni Ogie Diaz na kung saan nagbiro pa ito na malaki daw ang "nota" ng action star turned senator, dahilan kaya marami ang nagkakandarapa rito.

Biro lang daw ang lahat ng sinabi ni Lolit at wala naman daw siyang binanggit na pangalan during the interview.

"Siguro nga hindi niya naintindihan ‘yong binasa niya. Hindi niya nakita-kita' yong punto doon," sambit ni Lolit.

Dagdag nito: "O kung ano man ba ‘yong nagparating din sa kanya ng iba't iba ano... O siguro kung nakikinig siya ng radyo, kasi alam mo naman ako, may kabaklaan ako, di ba? ‘Pag tinatanong ako, talagang ‘Ay naku, ‘yong mga babae naglalaway-laway kay Bong Revilla!' Ang ibig kong sabihin, siguro kung nakikinig siya, pinersonal niya ‘yon. Pero kung nakikinig siya, at alam niya naman, kung talagang kilala niya ako, alam niya kung pabakla ‘yong pagsasalita ko."

Bago pa man ang panayam kay Lolit ay nagsalita na si Annabelle kung saan pinayuhan nito si Lani na alagaang mabuti ang asawa para hindi mabaling ang atensiyon nito sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang lalaki kahit na anong alaga ang gawin mo, kakaliwa at kakaliwa," sagot naman ni Lolit. "E, ang mga bading nga, kumakaliwa lalaki pa."

EXTENDED FAMILY. Para kay Lolit, tapos na raw kung ano mang issue meron sila ngayon ni Annabelle. Ayaw raw niyang sirain ang lahat ng pinagsamahan nila sa loob ng maraming taon dahil lamang sa mga misinterpreted quotes.

"Ang feeling ko talaga, member ako nung [Gutierrez] family. Ang iniisip ko talaga, kung sakali mang nagsasalita ako ng mga kabaklaan ng mga ka-anuhan, maiintindihan nila...sila ang una-unang makakaintindi," paliwanag ni Lolit.

"Pero ‘yon nga, napikon si Annabelle. Sinabi ko nga ang ano ko, na ayokong magkaaway kami dahil nanghihinayang ako sa pinagsamahan namin."

Kung sakaling magpang-abot man sila ng mga Gutierrez sa isang social gathering ay wala naman daw magiging problema kay Lolit. In fact, she would gladly acknowledge ang sino mang miyembro ng pamilya provided na ganoon din ang trato sa kanya.

"Ako talaga, hindi ako napikon sa pangyayaring ito," paniniyak ni Lolit. "Hindi ako napikon, tinira-tira ako ni Annabelle nagiging personal siya. Kung makikita ko sila Raymond, sila Richard, at si Ruffa babatiin nila ako, babati ako. Kung si Annabelle, ‘yon nga, ‘pag nakita ko siya, binati niya ako, babatiin ko siya. Kung galit siya, batuhin niya ko ng mga alahas niya kukunin ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN