Cristine Reyes: "Happy na ako sa ABS-CBN."

"Hindi puwedeng hindi nila [GMA-7] ako pakawalan dahil wala na akongkontrata sa kanila. Yun po ang sabi ngabogado ko. So, I'm hoping na sana makuha na lang sa magandang usapan.Payagan na lang nila ako kung saan ako masaya," says Cristine Reyes about her desire to move to ABS-CBN.



"Happy na ako sa ABS-CBN," deklarasyon ni Cristine Reyes sa isyu ng paglipat niya ng network. Nakapag-decide na kasi si Cristine pagkatapos ang ilang buwan na ring pinag-uusapan ang pag-alis niya sa GMA-7. Umaasa si Cristine na papayagan na siya ng GMA-7 na lumipat sa ABS-CBN.

"Nagkaroon na po kami ng meeting [with GMA-7], pero medyo hindi pa rin doon nagtatapos. Hindi ko alam kung may offer sila sa akin o wala," pahayag ni Cristine after ng performance niya sa Zirkoh Timog noong Sabado, March 8.

Paano kung hindi siya pakawalan ng Kapuso network?



"Hindi puwedeng hindi nila ako pakawalan dahil wala na akong kontrata sa kanila," mariing sagot ni Cristine. "Yun po ang sabi ng abogado ko. So, I'm hoping na sana makuha na lang sa magandang usapan. Payagan na lang nila ako kung saan ako masaya."



Wala na bang urungan ang paglipat niya sa ABS-CBN?



"Wala na," diin niya.

CONTRACT DISPUTE. Kailangan pa ba niya ng release paper sa GMA-7 paglipat niya ng ABS-CBN?

"Ewan ko po kung kailangan pa kasi tapos na ang kontrata ko. Pero kung ano, okay lang ‘yon. Mas okay ‘yon, may release paper para legal lahat, maayos," pahayag ng nakababatang katid ni Ara Mina.

Lumabas ang balita na kung pipirma man ulit ng kontrata si Cristine sa GMA-7 ay hindi raw renewal ng contract kundi panibagong kontrata.

"Kasi sinasabi nila automatic renewal. Sabi ng attorney ko, hindi ‘yon ano...dapat bagong contract. Yun ang nakita ng abogado ko sa contract ko. Nasa abogado ko yung contract ko," paliwanag niya.



What about yung nakasaad sa kontrata niya sa GMA-7 na may first option ito to renew?



"Tapos na ‘yon," sagot ni Cristine. "Nagamit na nila ang two options nila. Bale naka-two years ako ng contract sa kanila na may option to renew. ‘Tapos another option to renew. Nagamit na nila lahat ‘yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Unang pumirma ng kontrata si Cristine sa GMA-7 noong 2004, sumunod noong 2005 na nagtapos nitong February 2008.



"Yung dalawang option nila, yun talaga ang option nila for renewal na natapos na."



HAPPY WITH ABS-CBN. Bakit siya masaya sa ABS-CBN?



"Unang-una kasi, iba yung mga project na ibinibigay nila. Nag-e-enjoy ako sa lahat ng kasama ko. Tapos yung treatment, iba.



"Alam naman nila [GMA-7] kung saan ako masaya. Alam nila kasi nakausap ko yung mga boss doon at sinabi ko na sa kanila. Although pinipigilan pa rin nila ako. Siyempre, ayaw po nila [akong payagan]. May sinasabing project, pero hindi na ako interesado sa inaalok nila. ‘Tsaka bago nila sabihin yung project, buo na ang loob ko na tatanggapin ko na yung ABS. Alam nila ‘yon. Alam nila lahat ‘yon.

"Siyempre, pipigilan ka. Pero siyempre, nasa sa ‘yo ‘yon. Hindi ko alam kung hanggang saan nila ako pipigilan, pero sana maging happy na lang sila para sa akin," pahayag ni Cristine.

Pinapirma na ba siya ng ABS-CBN ng kontrata?

"Wala pa pong ginagawa. Wala pa pong kontrata," sagot niya.

EVA FONDA, 16. Kinumpirma ni Cristine na inalok sa kanya ng ABS-CBN ang TV remake ng Eva Fonda, 16 na unang pinagbidahan ni Alma Moreno sa pelikula noong 1976.



"Ayokongsabihin na akin na ‘yon, pero sana," asam ni Cristine. "'Pag okay naang lahat, saka ko na sasabihin na sa akin na talaga yung project. Sangayon, may mga inaayos pa. Marami pa yung inaayos, like yung sakontrata. Kaya hindi pa puwedeng sabihin lahat."

Gusto ba niya ang proyektong Eva Fonda, 16?

"Opo," sagot ni Cristine. "Actually, matagal nang in-offer sa akin ‘yon, pero may inaayos nga po."

Totoo ba nagkaroon na sila ng story conference para sa Eva Fonda, 16?

"Ay, wala hindi po totoo ‘yon," tanggi niya. "Wala pong nangyaring storycon. Yung pirmahan ng kontrata, wala pa po. Ginagawa pa lang yung kontrata. Hindi ko alam ang laman ng kontrata."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naghahanda na ba siya bilang bagong Eva Fonda?

"Actually, wala pang.... Bago pa matapos ang contract ko sa GMA-7, inalok na nila sa akin. Tapos ko na kasi yung kontrata ko kaya nangungulit ako sa GMA kung ano ang offer nila sa akin," lahad niya.

Hindi raw napanood ni Cristine ang original Eva Fonda, 16 na pinagbidahan noon ni Alma.

"May nakausap na rin po kay Alma at sabi niya, happy siya at gusto niya ako na gawin yung movie niya dati. Ang alam ko, may role din siya sa gagawin namin."

Handa ba siya na gawin ang kaseksihan na ginawa ni Alma noon?

"Ay, pang-TV naman ito kaya hindi siguro ganun kaseksi ng ginawa niya sa movie," sagot ng young actress.

Pero may mga eksena si Alma na naka-two piece lang siya habang sumasayaw. Kaya ba niyang gawin ‘yon?

"Ayaw ko munang sagutin ang mga tanong na 'yan hangga't wala pa yung Eva Fonda," maingat na sagot ni Cristine.

DENNIS'S REACTION. Ano ang sabi ni Dennis Trillo sa naging desisyon niyang lumipat ng network? Balita kasing nagde-date sila ulit ng dati niyang boyfriend.

"Medyo sad siya," sagot ni Cristine. "Pero sabi niya, kung saan daw ako masaya. Siguro naman alam niya kung saan ako masaya. Alam naman niya na masaya ako."



WILLIE'S INFLUENCE.
Totoo ba na malaki ang kinalaman ng natsitsismis sa kanya na si Willie Revillame sa desisyon niya na lumipat sa ABS-CBN?



"Siguro, pero hindi lang naman siya kasi nandiyan si Ma'am Charo [Santos-Concio] at lahat ng boss ng ABS-CBN. Na-meet ko sila pati si FMG [Freddie Garcia]. Hindi lang si Willie. Bago pa na-declare [bilang presidente ng ABS-CBN] si Ma'am Charo, nagkausap na kami."



Kumusta sila ni Willie ngayon?



"Actually, sa taping namin [ng Wowowee last Saturday], nakakatuwa. Hindi kami nagkikibuan dahil sa may nagsabi sa akin ng isinulat ni Tita Cristy [Fermin]. Kaya sabi ko na, okay, iiwas na lang ako. Sinabi ko ‘yon sa secretary [Katya Montenegro] niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Lumayo na ako kasi mahirap madikit sa kanya dahil ang daming intriga. Alam niya ‘yon [Willie]. Hindi ko nga ma-explain, hindi ko masabi na hindi niya ako nililigawan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga interview," sabi ni Cristine.



Noong nag-guest daw si Cristine sa Wowowee last Saturday ay agad siyang umalis pagkatapos ng kanyang production number.

"Hindi katulad dati kapag nagge-guest ako, nagkakantiyawan pa kami. Yung taping namin na ipapalabas sa March 27, hindi kami nagkikibuan. Professional lang ‘tapos tinutukso kami ng mga tao. ‘Tapos biglang pinatugtog yung pang-kasal, natawa kaming dalawa. ‘Tapos sabi ko, ‘Nagtatampo ka pa ba sa akin?' In-on the spot ko kasi may kamera, hindi siya makaka-ano. Sabi niya, hindi na. So, bati na kami," kuwento ng dalaga.



Inaamin naman ni Willie sa Wowowee sa mga tuksuhan nila ang panliligaw niya kay Cristine. Sinagot na ni Willie ang tanong ni Cristine kung nanliligaw ba ang TV host sa kanya nang huling nag-guest ang young actress sa noontime show.



"O, at least sinabi niya na nanliligaw siya, pero hindi kami," reaksiyon ni Cristine.



May chance ba si Willie sa kanya?



"Alam niya na ayokong mag-boyfriend, kasi ngayon pa lang gumaganda ang career ko. Hindi pa ako established sa career ko," sagot niya.



Pero mukhang gusto sila ng mga manonood ni Willie. Ano ang masasabi ni Cristine dito?



"Actually, kaya kami nagkabati dahil sa mga tao," sagot niiya.



Hindi kaya tuluyan na siyang ma-develop kay Willie?

"Actually, naku, manood kayo sa March 19 and 27, super talagang kikiligin kayong lahat," pagtatapos ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN