Sheena Halili moves on after hurtful breakup with Rainier Castillo

"Hinarap ko talaga lahat ng sakit. Iniyak ko lahat. Nung sinabi ko na'tama na,' tama na talaga," relates Sheena Halili on how she got over first boyfriend Rainier Castillo.



Malaking tulong sa career ng young actress na si SheenaHalili ang napasama siya sa top-rating series ng GMA-7 na Marimar. Dahil sa nasabing teleserye ay mas lalo siyangnapansin at nakilala ng publiko. Gumaganap siya rito bilang Monica, ang best friend ngkontrabidang si Angelika played by Katrina Halili.



"Masaya po ako na naging part ako ng Marimar," ani Sheena sapanayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong March 7 saCheese Cake, Tomas Morato, Quezon City.



"Nung binigay po sa akin yung Marimar, nung tinext ako na, 'Uykasama ka sa Marimar,' wala naman sa isip ko na malaki yung role ko. Sabiko, 'Baka naman ilang taping days lang ako diyan, wala na naman ako.'



"'Tapos nung nalaman ko pa na si Katrina ang makakasama ko, dun medyonaging palagay ako. Sabi ko magiging okey yung akting ko. Gamay ko na kasi satrabaho si Katrina.



"Kasi ‘pag ibang mga artista ang nakakasama ko, inaamin ko na medyonahihirapan akong umarte. Meron kasing ibang mga artista na hindi nagpapahawak,yung hindi nakikipag-eye-to-eye."

Sabay na pumasok sa showbiz sina Katrina at Sheena. Parehosilang produkto ng first batch ng artista-search noon na StarStruck. Peromas maraming naging shows si Katrina kesa kay Sheena, kaya naman mas sanay nangumarte si Katrina.



"Si Katrina, tinuturuan niya akong umarte, bilang mas marami nangexperience sa acting kesa sa akin," kuwento pa ni Sheena kung gaanoka-helpful ang ka-batch niyang si Katrina.



COMPLETELY OVER RAINIER. Sa ngayon ay loveless si Sheena. After herfailed relationship with StarStruck batchmate Rainier Castillo ay hindipa ulit siya nakikipagrelasyon. Kumusta na ba sila ni Rainier, maycommunication pa rin ba sila ng kanyang ex-boyfriend?



"Honestly, wala kaming communication ni Rainier. Ni hindi kami nagti-text-an sa isa't isa. ‘Pag nagkikita ‘tapos nagha-‘hi!' siya, nagha-‘hi'rin ako." Civil lang daw sila sa isa't isa. Batian ‘pag binati, dedmahan naman‘pag dinedma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Honest din sa pagtatapat ni Sheena na hindi naging maganda ang paghihiwalaynila ni Rainier.



"Nasaktan kasi talaga ako. Parang hindi ko lang talaga deserve yungnangyari noon na parang hindi tama. Hindi maganda," may hinanakit pangnasabi niya.

"Hindi ko na matandaan, basta masakit. Hindi ko lang posiguro alam kung ano talaga yung dahilan kung bakit kami naghiwalay," maykalabuang pagpapaliwanag ni Sheena, as if merong masakit na alaalang ayaw nangbalikan.



Si Rainier kasi ang first boyfriend ni Sheena kaya talagang dinamdam nang hustong dalagang Kapampangan ang paghihiwalay nila.



"Marami akong pinagdaanan nung kami pa ni Rainier. Maraming may ayaw saakin. Pero pinaglaban ko yun dahil mahal ko siya noon. Hindi ko silainintindi."



Usap-usapang isa sa dahilan ng hiwalayan nila ni Rainier noon ay dahil againstang parents niya sa binata. May katotohanan ba ito?



"Naku, hindi po. Yung parents ko, gusto naman po siya para sa akin. Siguronaman ang magulang kapag may napansin na pangit, aayaw rin naman yan, ‘di ba?Sinuportahan naman ako ng parents ko noon," tukoy pa ni Sheena tungkol salipas nang relationship niya with Rainier.



Masasabi ba niya na mas malaki ang fault ni Rainier kesa kanya sa hiwalayannila?



"Siguro may kasalanan din ako kung bakit ginawa niya yun. Siguro rinna-realize niya na hindi niya ako talaga mahal. Siguro hindi rin talaga kamipara sa isa't isa."



Kung noon ay talagang mahal ni Sheena si Rainier, ngayon ay walang-wala na rawtalaga siyang nararamdaman sa dating boyfriend.



"Wala na po talaga akong feelings sa kanya," deklara ni Sheena. "Kung mahal ko naman yung isang tao, bakit hahayaan ko pa na hindi ko siyapansinin? Bakit hindi ko siya lapitan, 'di ba?"



Paano niya ibinaon sa limot ang pag-ibig niya kay Rainier?



"Hinarap ko talaga lahat ng sakit. Iniyak ko lahat. Nung sinabi ko na'tama na,' tama na talaga.

"Kasi may ibang girls na kapag nakipag-break sa boyfriendnila, para maka-move on, hahanap ng iba. Ako talaga hindi. Kung kelan na langdumating, okey na yun. At least nakita ko naman na kahit single ako, masayaako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Parang...dumarating naman sa akin yung mga ipinagdarasal ko sa Diyos. Maypamilya naman ako, may career ako ngayon, ‘tapos nakakapag-aral ako noon saAngeles University Foundation. Tourism ang kinukuha ko noon. Tumigil lang munaako ngayon kasi Sunday na lang ang free day ko. Unlike dati pagkagaling ko ngtaping, tanggal lang ako ng makeup, ‘tapos diretso na ako ng school. Ngayonhindi ko na talaga maisingit sa schedule ko ang pag-aaral," kuwento pa niSheena kung paanong napalitan naman ng magandang blessings ang pagkawala nglove life niya.



Dahil nga sinabi ni Sheena na hindi niya na mahal si Rainier, ibig bang sabihinnito na kahit halimbawang gumawa pa ng move si Rainier na makipagbalikan sakanya ay hinding-hindi na talaga niya ito tatanggapin?

"Tinatanong din ng mommy ko ‘yan, e. Ayokongmagsalita nang patapos. Yun ang sinasabi rin ng mommy ko na huwag akongmagsalita ng patapos kasi hindi ko raw alam ang kapalaran ko. Pero dahil taposna yung sa amin [ni Rainier], naka-move on ako. Okey na yun, tama nayun."

NEW LOVE? Nali-link ngayon si Sheena kay Arthur Solinap, anggumaganap na asawa niya sa Marimar. Pero ayon sa dalaga ay hindi naman dawito nanliligaw sa kanya.



"Nagsu-sweet-sweet-an lang siya sa akin. Tulad kahapon na may lagnat ako,binigyan niya ako ng gamot, 'O, uminom ka na ng gamot, yan ang sinasabi ko sa‘yo', ganyan-ganyan. ‘Tapos sabi niya, 'O, ano ba ang gusto mo?' ‘Tapos biniliniya ako ng salad.



"Pero hindi ko iniisip na seryoso yun, parang barkada lang talaga kami niArt, e.

"Sinasabihan ko rin siya na, 'Uy, best friend lang tayo,ha,' ginagano'n ko siya. Inuunahan ko na, na parang ayoko pangmakipag-boyfriend."

Ano ba ang ideal guy niya, yung tulad ba talaga ni Rainier,na medyo maliit at cute?



"Hindi po, e. Actually, ang gusto ko nga po ay yung matangkad. Yung tall,dark, and handsome.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"May nanliligaw naman po sa akin na ganun, kaya lang nag-aaral pa siya.Sabi ko sa kanya, mag-aral na muna siya," pabitin na tapos ni Sheena aboutthe latest sa kanyang love life. Hindi na lang nagbigay pa ng detalye angdalaga tungkol sa non-showbiz suitor niyang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN