Dingdong Dantes feels sad for end of "Marimar"

"Nakakalungkot, sobra. Kasi naging parte na rin siya ngbuhay ko. Maraming magagandang nangyari sa career ko because of Marimar," says Dingdong Dantes about the approaching end of Marimar.



Although sa Friday pa ang final episode ng Marimar, ngayon pa lang aymarami na ang excited sa mga magaganap sa phenomenalprimetime series na ito ng GMA-7.

Napaka-significant sa career ni Dingdong ang pagganap niya bilangSergio sa Marimar. Kaya nang makausap siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) kinumusta agad kung ano ang nararamdamanniya now that the show is about to end.

"Nakakalungkot, sobra! Kasi, naging parte na rin siya ngbuhay ko. Maraming magagandang nangyari sa career ko because of Marimar,"simulang pahayag ni Dingdong sa amin.

Kung tutuusin, sandali lang din naman mami-miss ng fans ang love team nila niMarian Rivera. Pagkatapos kasi ng Marimar, magtatambal uli sila sa Dyesebel.

May preparation na ba siyang ginagawa for his role in Dyesebel?

"Wala pa. Kasi, gusto ko munang tapusin yung Marimar. I have to finishbeing Sergio kasi hanggang ngayon, may taping pa rin kami. So, I really needtime to prepare for Dyesebel."

Expected na rin daw ni Dingdong na ngayong second team-up na nila ni Marian angDyesebel, mas malaki ang possibility na mas maintriga pa sila or masma-link pa lalo.

"In fact...kasi sa Dyesebel, mas makikita ang pagkabata namin. Sa Marimarkasi, masyadong matured ang istorya. Dito sa Dyesebel, talagang makikitaang aming playful side, kung paano kami sa isa't isa. Hindi pa rin kasinamin nae-explore kung ano ang puwede naming gawin sa isa't isa. We canoffer more."

Aminado si Dingdong na wala pa siyang napapanood na anumang movie version ng Dyesebel.Although, naghahanap na raw siya ng kopya ng movie na ang gumanap naDyesebel ay si Alice Dixson at si Richard Gomez naman ang leading man.

Nang tanungin namin siya tungkol sa kumalat na tsismiskamakailan na hiwalay (na naman) sila ng kasintahang si Karylle, hindi na pinahaba pa ng binata ang pahayag niya.

"Wala na yun. It's not true at all, so, let's not talk aboutit," maikling sagot ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN