Glaiza de Castro takes insults as challenges

"Mas importante sa akin yung trabaho. Binibigyan ako ngtrabaho, therefore, I have to put my heart and soul into it. Kaysa ubusin koang energy ko sa pag-iisip sa mga panlalait sa akin," says Glaiza de Castro regarding insults from her detractors.



Mukhang nabusalan ni Glaiza de Castro ang bibig ngkanyang mga detractor na nangmamata sa kakayahan niya. Kesyo starlet lang daw siyang hindisisikat. Pero ano na kaya ang masasabi ng mga kumokontra na consistent sa pagtaasang ratings ng Kaputol ng Isang Awit sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7?

"Sabi ko nga, I will just have to prove my worth. Walanaman akong maipagmamalaki sa kanila. Let time reveal what's really in storefor me, kung karapat-dapat nga ako sa break na ibinigay ng GMA-7 sa akin,"nasabi na lang ni Glaiza.

NO TIME FOR INSULTS.Ang love team nila ni Marky Cielo sa Kaputol ng Isang Awit angbinibigyang interes ngayon ng bigating movie producer na si Mother LilyMonteverde. Tampok nga sila at iba pang love teams ng GMA-7 sa proyektong UltraelectromagneticLove na tampok ang mga pinasikat na awitin ng bandang Eraserheads.

"Isasama raw kami sa second episode, yung ‘Tindahan niAling Nena.' Super-thankful talaga ako kay God sa magagandang nangyayari sacareer ko ngayon, sa tulong siyempre ng manager kong si Manny Valera.

"Nagpapasalamat talaga ako roon sa mga naniniwala saakin, sa mga ginagawa ko. Kasi, pinaghihirapan ko naman ito. Hindi lang itobasta ibinibigay sa akin.

"Tumahimik na lang talaga ako sa mga panlalait nilatungkol sa akin, kasi, ano rin ba ang buting magagawa kung magre-react ako? Ijust take them as challenges. Ganoon talaga. Mayroong hindi naniniwala, mayroondin namang nagtatanggol," nangingiting sambit pa ni Glaiza.

Para kay Glaiza, kaya niyang tanggapin ang anumang uri ngpanlalait. Open siya sa kung anu-anong opinyon.

"Mas importante sa akin yung trabaho. Binibigyan ako ngtrabaho, therefore, I have to put my heart and soul into it. Kaysa ubusin koang energy ko sa pag-iisip sa mga panlalait sa akin," nasabi na lang niGlaiza.

WORKING WITH LOVI.Kailangan talagang pagbutihan ni Glaiza, kasi marami rin ang nagsasabingkitang-kita ang improvement ni Lovi Poe sa nabanggit na teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi kami nagpapatalbugan ni Lovi," sabi pa niGlaiza. "Yun ang maganda sa amin, walang intrigahan. May times nakailangang saktan niya ako physically, talagang tinatanong pa niya ako kungpaano ako itutulak.

"Sabi ko nga sa kanya, gawin niya kung ano angnararapat sa eksena. Kahit masaktan pa ako, okey lang, kasama yun, e.

"Maganda ang team-up namin ni Lovi, nagbibigayan. Kayasiguro maganda ang napapanood ng mga tao, kasi, trabaho lang itong ginagawanamin at walang personalan, kaya walang tensiyon. We're both happy working thatway," tuluy-tuloy na nasabi pa ni Glaiza.

Sa nangyayari, alam ni Glaiza na hindi na biro ang pagkatuwang GMA-7 sa kanila ni Lovi dahil sa outstanding results at feedback nanatatanggap ng Kapuso network sa lakas ng nabanggit na teleserye.

"Mas naka-focus ako ngayon, nararamdaman ko," sabipa ni Glaiza. "Hindi lang kasi GMA-7, pati ang Regal Films, pinapirma naako ng 8-picture contract, at may movie na ngang uumpisahan.

"Minsan nga lang, nararamdaman ko rin yung pagod. Pero,'di ba, kasama na rin yun sa magagandang opportunities na dumarating?Pagtatrabahuan mo talaga at pagpapaguran.

"All the more na kailangan kong pagbutihan at magingmas dedicated pa," pahayag ng aktres.

GLAIZA'S GOAL. Wish ni Glaiza na magpatuloy sa ganitoang takbo ng career niya dahil nagbabalak-balak na silang lumipat ng bahay.

"Sa Valenzuela pa rin sana, pero hindi na roon sa lugarnamin ngayon na masikip talaga ang kalye at talagang lalakad ka pa ng malayojust to reach the house.

"Yun ang pinagsisikapan kong magkaroon. Nakatagal namankami roon, pero hindi mo naman maiaalis sa akin na mangarap ng maspresentableng matitirahan, lalo na ngayon.

"Gusto ko yung place na hindi masyadong crowded, hindima-traffic, medyo mas maayos," nasabi pa ni Glaiza.

Gusto nga niya ay malapit na sa highwhay, o kung kakayanin,sa loob na ng isang subdvision.

Sa sipag at tiyaga ni Glaiza, siguro nama'y maaabot din niyaang pangarap niyang ito, lalo't marami ang sumusuporta sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN