Marian Rivera gives first priority to her movie with Dolphy and Vic Sotto

Young actress Marian Rivera is so in demand that no less than Comedy King Dolphy handpicked her to play his daughter in hist first movie with comedy heir apparent Vic Sotto. Marian's movie with leading man Dingdong Dantes in Amnesia will have to wait.


For Marian Rivera, the Comedy King comes first before her favorite leading man. That's as far as her movie scheduling is concerned.

Follow-up sa naisulat na report ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pelikulang Amnesia starring Marian, Dingdong Dantes, and Iza Calzado. Sigurado pa ring matutuloy ito as one of the scheduled movies of GMA Films, but this will have to wait dahil mas una na palang natanguan ng manager ni Marian na si Popoy Caritativo ang first team-up ng Comedy Kings na sina Dolphy at Vic Sotto sa pelikula.

Nagkita kami ni Popoy sa standby area for the church wedding scene of Marimar kahapon, March 10. Sa San Agustin Church sa Intramuros, Manila, kinunan ang kasal nina Marimar at Sergio at sa katapat nitong restaurant na Barbara's ang standby area.

Dito namin napag-usapan ang magiging schedule ni Marian once matapos ang Marimar. May two-week training muna ang young actress for swimming lessons with Marissa Floreindo during and after Holy Week. By the time she starts taping Dyesebel, magsisimula na rin siya ng kanyang follow-up movie after My Best Friend's Girlfriend.

"Mauuna ang Dolphy-Vic movie," sabi ng manager ni Marian. "Ito na ang natanguan namin. Nakakahiya namang masira ang schedule nila dahil kay Marian."

It was Dolphy himself who requested that Marian be part of his first team-up with the heir to his throne, Vic Sotto.

May working title na ang movie ngunit hindi pa rin ito alam ni Popoy. The movie will be produced by APT Films of Mr. Tony Tuviera and M-ZET Productions of Vic Sotto. Si Tony Y. Reyes ang magdidirek.

Anak ni Dolphy ang papel ni Marian dito at magiging leading lady ni Vic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN