Cast of "Love Cruise" all set to sail for Europe

(From left) Rhian Ramos, Rufa Mae Quinto, and Jolina Magdangal are the three female leads in the new GMA Films movie Love Cruise, which also features comebacking actor Gabby Concepcion.



Natuloy na ang story conference para sa isa sa pinakamalaking proyekto ng GMA Films sa taong ito, ang Love Cruise (working title) na pagbibidahan ng nagbabalik-pelikula na si Gabby Concepcion. Naganap ang naturang story conference kagabi, March 11, sa Manila Polo Club sa Makati City.

Kasama sa pelikula at naroon sa storycon sina Jolina Magdangal, Rufa Mae Quinto, Eugene Domingo, Rhian Ramos, at Mark Herras; ang direktor nilang si Mark Reyes at scriptwriter na si Senedy Que.

Napag-usapan sa story conference ang role ng bawat isang artista at maging ang mga lugar sa Europe kung saan sila bibiyahe at kukunan ang mga eksena.



Mula Manila at ay tutungo ang dalawang grupo sa Amsterdam, Netherlands, pagkatapos ay sa Rome, Italy. Mula Rome ay bibiyahe ulit sila papunta naman sa Genoa, Italy. Doon sa port ng Genoa naka-dock ang luxury cruise kung saan kukunan ang kalahati ng pelikula. Sa Amsterdam at Rome ay marami rin silang eksenang kukunan with the cast.



Tungkol sa buhay ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nagtatrabaho sa isang luxury cruise ang main story ng Love Cruise.

Gaganap na mga staff sina Jolina, Rufa Mae, Eugene, at Mark na may kanya-kanyang istorya sa buhay. Si Jolina ay hinahanap ang lalakeng karapat-dapat sa kanya at mapaniwala sa hula. Si Rufa Mae naman ay isang lounge singer na laging iniiwan ng mga lalakeng minamahal niya. Si Eugene ang matandang dalaga na nangangarap pa rin na matagpuan ang kanyang one and only. At si Mark naman ay may gustong patunayan sa kanyang pamilya kaya nagpakalayu-layo siya ng trabaho.



As for Rhian, gagampanan niya ang isang pasahero ng luxury cruise na gustong magbakasyon para makatakas sa kanyang malungkot na buhay. Dito niya makikilala si Mark at mala-Titanic ang kanilang love story sa barko.



Si Gabby naman, who will fly to Europe from San Francisco, California, ay ang misteryosong lalake na pag-aagawan nina Jolina at Rufa Mae. Pakiramdam ng dalawa, ang karakter ni Gabby ang lalakeng itinakda para sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pinaghalong drama at comedy ang Love Cruise na gagawin sa loob ng almost a year. Ayon sa line producer nito na si Elaine Lozano, marami silang inayos para maalagaan nang husto ang project. Hindi raw biro ang mag-shooting sa ibang bansa, lalo na sa Europe dahil bukod sa malaki ang magagastos, kalaban din nila ang matinding ginaw ngayon.



By the end of this month ang planong pag-alis ng grupo patungong Europe para mag-shoot ng Love Cruise.

Sinigurado na ng mga artistang kasama na walang magiging problema sa mga maiiwanan nilang trabaho dito sa Pilipinas. Tulad ni Jolina na may Pinoy Idol at SOP; si Rufa Mae na may Bubble Gang, SOP, Showbiz Central, at isang pelikulang sinu-shoot; si Eugene na may bagong sisimulang show sa ABS-CBN at isang pelikulang tinatapos; at si Mark na may SOP at Joaquin Bordado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN