Direk Joel Lamangan guarantees a great teleserye in "Babangon Ako't Dudurugin Kita"

"GMA-7 is very generous sa mga request ko sa productionkaya naman pinaganda namin nang husto ang pilot week ng show. Maloloka sila samga eksena kasi first day pa lang, big scene na kaagad," guarantees Director Joel Lamangan about his new Kapuso project, Babangon Ako't Dudurugin Kita.



Proud na proud nga si Direk Joel Lamangan sa bagongdinidirek niyang primetime teleserye na Babangon Ako't Dudurugin Kitadahil ginastusan daw ito nang husto ng GMA-7. Lahat daw ng hiniling niya paramaging bongga ang pilot week ay ibinigay naman sa kanya.



Magsisimula na ito sa March 24 bilang kapalit ng Marimar. Opening scenepa lang daw ng Babangon Ako't Dudurugin Kita ay "madugo" na raw atparang pelikula ang dating.



"Mas malaki kasi ang budget kapag primetime ang show," ngiti ni Direk Joel. "Ascompared sa mga afternoon drama, okey rin naman ang budget nila pero hindi kamakaka-request ng helicopters at saksakan ng dami na extras.

"But GMA-7 is very generous sa mga request ko sa productionkaya naman pinaganda namin nang husto ang pilot week ng show. Maloloka sila samga eksena kasi first day pa lang, big scene na kaagad."



IMPRESSIVE ACTORS.
Huling nakatrabaho ni Direk Joel ang bida ng soap drama na ito na si YasmienKurdi sa afternoon drama na Pasan Ko ang Daigdig. Dito nga raw sa bagongshow ay mas lulutang pa nang husto ang husay ni Yasmien bilang aktres.

"I've worked with her in three movies [Aishite Masu, So HappyTogether, Bahay Kubo] at noon ko pa nakikitaan 'yan ng potential sadrama. Mahusay ang bata and she's giving it her all parati. Dito sa bagongshow, she really impressed me a lot. Abangan n'yo si Yasmien sa mga dramatichighlights niya."

Ang isa pang bida na si Angelika dela Cruz ay naidirek na noon ni Joel sa GMAminiseries na Liwanag sa Hatinggabi. Wala rin daw siyang maipintas ditodahil madali raw makakuha ng directions niya.

"Mahusay rin itong si Angelika," sabi ni Direk Joel. "Medyo bagets pa siya noong una ko siyangmadirek pero marunong na talagang umarte. Ngayon at mas mature na siya, masnagkaroon ng character. Kelan lang siya nag-first taping daw sa akin at mabilis siyangmakasunod. Bagay sa kanya ang role na binigay sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga leading men naman nina Yasmien at Angelika, nakatrabaho na ni Direk Joelsi JC de Vera sa Pasan Ko ang Daigdig at sa pelikulang Ako Legal Wife.Si Marvin Agustin naman ay first time niyang makatrabaho sa soap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN