Vhong Navarro denies courting leading lady Valerie Concepcion

"Hindi ko po niligawan si Valerie dahil alam ko na medyo marami pa siyang pinagdadaanan ngayon, na nag-a-adust pa siya. So tingin ko, hindi pa siya ready na magkaroon ng commitment, na magkaroon ng boyfriend," says Vhong Navarro about his Supah Papalicious leading lady Valerie Concepcion (inset).



Si Valerie Concepcion ang leading lady ng dancer turned comedian na si Vhong Navarro sa pelikulang Supah Papalicious ng Star Cinema, na showing na sa March 22.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Vhong kanina, March 12, sa pocket presscon ng Supah Papalicious sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, itinanggi ng comedian ang napabalita na niligawan niya si Valerie habang nagsu-shoot sila ng pelikula.

Ayon kay Vhong, "Hindi ko po niligawan si Valerie dahil alam ko na medyo marami pa siyang pinagdadaanan ngayon, na nag-a-adust pa siya. So tingin ko, hindi pa siya ready na magkaroon ng commitment, na magkaroon ng boyfriend.

"Siguro sa ngayon, masasabi ko na nagpo-focus pa siya sa mga trabaho niya. Kasi nakakapagkuwentuhan kami sa shooting. So, alam ko kung paano yung nararanasan niyang buhay ngayon. So, yun po."

Pagkatapos kasing magsilang ni Valerie ng kanyang anak na si Heather Fiona sa edad na 16 ay hindi pa nagkakaroon ng relasyon ulit ang young actress. Hiwalay na sila ng ama ng kanyang anak at wala na raw silang komunikasyon nito.

Kung sakali bang ready na si Valerie na makipagrelasyon ulit, ready na rin ba siya na ligawan ito?

"Oo naman," sagot ni Vhong. "Kasi si Valerie, alam naman natin na mayroon na siyang baby. Pero kahit mayroon na siyang baby, nandun pa rin yung pag-aalaga niya sa katawan, sexy pa rin.

"And then, ‘pag nakikita mo nga siya, ‘pag nakakasama mo, hindi mo aakalain na may three-year-old baby na siya. And then, siyempre, yung mukha niya, ang ganda, ang amo-amo. Actually lahat e, package naman talaga si Valerie. Talagang maipagmamalaki mo siya."

Bagama't tahimik si Vhong pagdating sa kanyang lovelife, hindi naman kaila sa lahat ang relasyon niya sa aktres na si Desiree del Valle.

PAPALICIOUS. Ang "papalicious" ay sinasabing gay lingo na ibig sabihin ay "papa" ang dating sa mga kabaklaan. Masasabi ba ni Vhong na talagang ganoon siya sa kanila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam n'yo po, sa totoo lang, hindi ako ma-appeal sa mga bading," sabi niya. "Hindi po talaga, e. Ewan ko po. Siguro po masasabi ko na mas ma-appeal ako sa mga girls na mas may edad sa akin, yung mga thirty pataas, yung parang mga matrona!" tawa ni Vhong.

"Hindi naman ako pumapatol. Natutuwa lang po sila sa akin siguro sa pagiging komedyante ko," pahabol ng komedyante.

Sa mga natutuwa sa kanyang mga may edad nang babae, may mga materyal na bagay na bang naibigay sa kanya ang mga ito?

"May nagbigay na po sa akin ng laptop, may nagbigay na rin ng sapatos. Pero wala naman talaga silang pagnanasa sa akin. Natutuwa lang talaga sila sa akin, wala silang sexual intention!



"Siyempre, kung magnanasa sila, ang pagnanasaan na nila ay yung mga macho. Pagnanasaan ba nila itong katawan ko, e, wala rin namang kuwenta?" tawa ulit ni Vhong.

"Hindi ko rin naman kailangang ibigay ang katawan ko kapalit ng laptop o sapatos dahil kaya ko namang bilhin ang mga yon."

DREAM LEADING LADIES. Marami nang naging leading ladies si Vhong sa pelikula. Sino pa ba ang pangarap niyang makapareha?

"Si Ms. Ai-Ai [delas Alas] at si Pokwang. Sana magkaroon kami ng movie na sila talaga yung leading ladies ko," sagot niya.

Si Vhong ang masasabing busiest young comedian ngayon. Hindi siya nawawalan ng trabaho maging sa telebisyon o pelikula.

"Siguro masasabi ko lang po na sobrang ano lang po yung mga blessings na dumarating sa akin," sambit niya. "And then, ang ABS-CBN, hindi po ako pinababayaan at ang Star Cinema, ganun din po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN