Boy Abunda has no plan of running in 2010 elections

"Dati sinasabi ko lagi na ‘hindi ngayon, ayoko talaga.' Ngayon, ayokopa rin, ayoko pa rin. Kasi if your question is ‘In 2010, do you haveplans?' wala talaga. Kasi kung meron, pinaghandaan ko na ‘yon," explains Boy Abunda about rumors that he is running in 2010.



Two years from now ay gaganapin na ang 2010 elections. Isa si Boy Abunda sa maraming mga humihikayat na tumakbo sa isang posisyon sa gobyerno.

Nang pinasyalan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Boy kahapon, March 11, sa taping nila ni Kris Aquino ng Boy & Kris sa Pasig City, ito ang naging topic namin.

May plano nga bang tumakbo si Boy sa darating na halalan?

"Wala pa, e. Gusto ko pa ring maging beauty queen!" napahalakhak ang TV host-talent manager.

Ang opinyon pa ng iba, may chance manalo si Boy kung tatakbo siyang senador. Ano ang masasabi niya rito?

"Hindi, wala sa...hindi naman ako shy, e," pauna niya. "Kung talagang may balak ako, siyempre... Hindi naman ako bobo, dapat nag-uumpisa na ako matagal na, namumuhunan na ako. Pero I'm at my point in my life when... Tama kayo, I listen to myself and politics is not one of them, sa mga plano as of now.

"Pero again, hindi ako nagsasalita ng patapos. Kasi lahat talaga ng pamilya ko nandiyan. Ang kapatid ko ngayon ay vice mayor, ‘tapos ang nanay. So I don't really know what's gonna happen. But if you ask me today if I'm going to run, the answer is no. Ask me again another day, I don't know.

"Ang tatay ko kasi pulitiko, ang nanay ko pulitiko. Pagkatapos niyang maging teacher, ang kapatid ko ngayon, pulitiko. So, nasa amin talaga ‘yon. Pero masaya ako dito sa ginagawa ko. Ang ginagawa ko ay masaya at hindi madali. Kaya kung ipagpapatuloy ko ito, I want a job that would allow me to travel more.

"I would like a job that would allow me to relax kasi bugbugan tayo, e. Maybe... Alam mo, ang pinakamalapit na mangyayari is probably to work in government," lahad ni Boy.

For example?

"Presidential spokesperson!" tawa niya. "Secretary of Tourism para hindi man ako maging beauty queen... I mean, there are jobs maybe that I'd be able to do for this country, but not necessarily run.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko talaga... Maybe because I know too much how it is to run an election. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng publiko na isa ‘yan sa mga expertise ko—ang pulitika at showbiz.

"So knowing too much about what it is to run a campaign, parang ayoko talaga at masaya ako kasi dito sa ating buhay. I love showbiz with passion. I'm so proud of what I do. Pero again, natatakot ako sa salitang patapos kasi hindi ko alam.

"Malay ko si Kris [Aquino] ang tumakbo sa 201o at ako ang maging campaign manager? You don't know, e. You don't know what's gonna happen. Malay mo, it's not really for the senate, it's congress. I don't know, but certainly kung magdedesisyon akong pasukin ‘yon, paghahandaan ko ‘yon.

"But 2010 is too short. If I were to run for public office and it's 2010, and if you know your politics, you know that you should have prepared a long time ago. E, ngayon that's a year and a half from now."

Ngayon, tila may pasubali na ang sagot niya, unlike before na ayaw niya talagang tumakbo.

"Ay, hindi!" paglilinaw ni Boy. "Dati sinasabi ko lagi na ‘hindi ngayon, ayoko talaga.' Ngayon, ayoko pa rin, ayoko pa rin. Kasi if your question is ‘In 2010, do you have plans?' wala talaga. Kasi kung meron, pinaghandaan ko na ‘yon.

"Kasi it's too short to prepare for a political campaign a year and a half, maikli ‘yon. Kung may balak kang maging senator or congressman, ika nga, namumuhunan ka na dapat," pagtatapos ni Boy, na naging campaign manager ni Mike Defensor sa nakaraang senatorial election.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN