Sandiganbayan affirms conviction of Joey Marquez on charges of graft

Former Parañaque mayor Joey Marquez and three others are once again found guilty of charges of graft.


Sa pangalawang pagkakataon, kinumpirma ngayong araw ng Miyerkules, March 12,ng Sandiganbayan Fourth Division ang hatol na "guilty" sa aktor at dating mayorng Parañaque na si Joselito "Joey" Marquez at tatlong iba pa sakasong graft.

Nauna nang nahatulan ng guilty sa parehong kaso sina Joey, Silvestre de Leon(city treasurer), Marilou Tanael (city accountant), at Ofelia Caunan(officer-in-charge, general services section) noong Agosto 30, 2007, base saresulta ng imbestigasyong ginawa ng Commission on Audit (COA) sa bilihan ng mgawalis-tingting para sa general services department ng Municipal Government ofParañaque. Naganap ang bilihan mula January 1996 hanggang September 1997. Mayorng Parañaque si Joey mula 1995 hanggang 1998.

Ayon sa pag-iimbestiga ng COA, lumalabas na overpriced ng P462,708 ang31,334 na "extra-sized" at 24,098 na "extra-large" nawalis-tingting. Dinagdagan ng P4 ang presyo ng "extra-sized" habangP14 naman ang itinaas ng presyo ng "extra-large." Hindi rin diumanodumaan sa regular na proseso ng public bidding ang bilihang nangyari, ayon pasa COA.

Ang kasong graft ay may kaparusahang anim hanggang sampung taon napagkakabilanggo at pagbabayad sa nawaldas na pera ng gobyerno. May limangbilang ng graft ang bawat isa nina Joey at mga kasama niya.

Nakapag-post agad ng bail na P240,000 si Joey noong unang ibaba ang hatol sakanya noong nakaraang taon at umapila pa sa Sandiganbayan for motion ofreconsideration.

PAHABOL. Last year, matapos babaan ng hatol ng Sandiganbayan FourthDivision, humabol pa ng panibagong kaso ng walong bilang naman ng graft ang COAsa Sandiganbayan Second Division.

Parehong mga tauhan din ang kinasuhan sa division na ito ng anti-graft courtat ang bentahang naganap naman noong March 1997 ang pinagmulan ng pagsasampa ngkaso. Overpriced by P120,000 ang lumalabas sa imbestigasyon ng COA para sakasong ito.

Agad na nag-file ng demurrer to evidence si Joey at ang attorney niyang siNoel Malaya at hiniling sa Sandigan na ipawalang-halaga at ibasura ang walongkaso ng graft na ito.

Ayon sa thefreedictionary.com, ang demurrer to evidence ay " anexception taken by a party to the evidence offered by the opposite party, andan objecting to proceed further, on the allegation that such evidence is notsufficient in law to maintain the issue, and a reference to the court todetermine the point."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CONFLICT OF INTEREST. Noong September 28, 2007, dininig ngSandiganbayan ang motion to reopen the proceedings ni Joey at ni Atty. Malaya.

Ayon kina Joey at Atty. Malaya, maaaring may mga bagay at pangyayaringnaganap sa pinasok nilang transaksyon na hindi naisama sa pag-iimbestiga ng COAat sa pag-aaral ng Sandiganbayan sa kaso niya at ng tatlo pang akusado.

Hiniling din nilang i-inhibit o alisin sa proceedings si Associate JusticeGregory Ong dahil sa conflict of interest. Idinemanda kasi ng asawa ni Ong angmisis ni Joey noon na si Alma Moreno ng kasong estafa. Hindi umano binayaran niAlma ang utang na pera nito sa asawa ni Ong.

Matapos ang ilang pagdinig, muli ngang hinatulan at kinumpirmang guilty siJoey at tatlo pa niyang kasama sa kaso ng Sandiganbayan Fourth Division.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN