Annabelle Rama defends son Richard Gutierrez on snubbing report at Visionary Awards

"Knowing Richard, hinding-hindi magagawa ng anak ko mang-snub. Mabait ang anak ko, alam n'yo ‘yan," says Annabelle Rama about a report that her son Richard Gutierrez snubbed some celebrities at the First Annual Filipino-American Visionary Awards.



"Hinding-hindi magagawa ni Richard ‘yan, baka ako pa," sagot ni Annabelle Rama sa balitang ang anak niyang si Richard Gutierrez pa raw ang kailangang lapitan ng ilang mga artista and not the other way around during the First Filipino-American Visionary Awards na ginanap sa Kodak Theater noong March 7.

Dumalo si Annabelle sa grand presscon ng pinakabagong primetime soap ng GMA-7 na Babangon Ako't Dudurugin Kita kagabi,March 12, sa Oasis, Aurora Blvd. She was there in support of her alaga JC de Vera, who topbills the Joel Lamangan-directed soap opposite Yasmien Kurdi.

Sa table niya pagkatapos ng presentation, maraming press ang lumapit sa kanya. Noong una, pabiro pa siyang nagpasabi na huwag siya ang interbyuhinn kundi ang mga artista na lang ng show dahil hindi na raw siya magsasalita tungkol sa away nila ni Lolit Solis kaugnay ng pang-iisnab diumano ng alaga ni Lolit na si Lani Mercado sa anak ni Annabelle na si Ruffa Gutierrez.

Hindi alam ni Annabelle na iba pala ang itatanong sa kanya. Kumakalat kasi sa text na sa Visionary Awards, tila nagpa-star daw ang kanyang anak na si Richard during the proceedings. Ang young actor pa raw ang kailangang lapitan ng mga stars more senior than him para bumati.

Among the stars mentioned in the text was Joey de Leon. Joey is Lolit's co-host sa StarTalk ng GMA-7.

"Day, alam mo ba kung gaano kalaki ang Kodak Theater at kung gaano karaming tao ang dumating? Six thousand!' paliwanag ni Annabelle. "Ang laki ng venue, hindi rin magkakalapit ang mga upuan ng mga artista. Siyempre kinakabahan si Richard dahil isa siya sa mga awardees, siya pa ang pinakabata.

"Si Joey pa ang hindi babatiin ni Richard? Baka naman mas naunang nakita ni Joey ang anak ko kaya siya na ang lumapit? At knowing Richard, hinding-hindi magagawa ng anak ko mang-snub. Mabait ang anak ko, alam n'yo ‘yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May lumabas ding balita hindi raw binati ni Richard ang mag-asawang Lani at Bong Revilla na naroon din sa naturang okasyon. Pero pinabulaanan din ito ni Annabelle.

At this point, lahat ng mga nasa paligid na press ay sumang-ayon kay Annabelle dahil wala pang press na na-snub ni Richard sa kahit anong occasion.

Ayon kay Annabelle, "Ang mga anak ko, tinuturuan ko, pinapagalitan ko pa nga, na matutong gumalang sa mga mas matanda sa kanila. Hindi ko pinapayagang pumasok sa mga utak nila na sikat sila. Mga nakatungtong pa rin sila sa lupa.

"Si Richard pa ang hindi mamamansin. Baka kung sinabi nilang ako ang gumawa noon, puwede pa!" sabay tawa ng Gutierrez matriarch.

Tinanong namin si Annabelle kung paano lumabas ang mga ganitong balita. Wala raw siyang alam at wala na rin siyang pakialam.

"Baka naman gawa-gawa lang ng mga may galit sa anak ko yun? Pero hindi nila kilala si Richard kung gaano ito kabait," sambit ni Annabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN