Yasmien Kurdi's kiss with JC de Vera more torrid than with Marvin Agustin

"Hindi naman po natin hahayaan na magmukha siyang hindi kaaya-aya sapaningin ng mga viewers," says Yasmien Kurdi about her kissing scenes with Marvin Agustin (inset, top) and JC de Vera (inset, bottom).



Sina Yasmien Kurdi at Jennylyn Mercado ang magkasabay napumasok sa showbiz. In fact, sila ang naging mahigpit na magkalaban sa unangbatch ng StarStruck, and as we all know, si Jennylyn ang tinanghal na Ultimate Female Survivor, with Yasmien as the First Princess.

Bukod sa pagiging colleague, naging matalik na magkaibigandin sila, kaya naman si Yasmien ang isa sa mga nararapat hingan ng opinyontungkol sa kalagayan ngayon ni Jennylyn.

"Kanina, magkausap po kami," sinabi ni Yasmien sa PEP(Philippine Entertainment Portal) kagabi sa The Oasis sa Aurora Boulevard,Quezon City kung saan ginanap ang grand presscon ng Babangon Ako't DuduruginKita ng GMA-7.

At ang naging takbo ng usapan nila...


"Four months na po yung baby niya, ‘tapos tinatanong ko siya, ‘tapos tinawaganniya ako, sabi niya hindi nga raw siya nakapunta ng summer plug shoot ng GMAkasi nga raw nagdudugo yung ilong niya.

"Hindi ko alam, parang may something-something siya."


Ano ang pananaw ni Yasmien tungkol sa mga nangyayari kay Jennylyn?


"I don't know. Siguro kasi buhay nila yun. Ayokong manghimasok sa life nila.


"Hindi ko naman sinasabing ginusto niya or something, pero kasi nandun pa rinang love. I mean, nung ginawa nila yun...bakit nila nagawa yung baby? Kasi maypagmamahal, ‘di ba?

"So ngayon, sa nangyayari, I think kailangan lang magingmature enough siya to handle the situation, na sa maayos na paraan, para lumakiyung bata sa maayos na paraan. Hindi yung kung anu-ano na lang yung magigingbuhay nung bata."

SUPPORTING JENNYLYN. Ayaw isipin ni Yasmien na masbumongga ang career niya nang nabuntis si Jennylyn.


"Hindi ako naglalagay ng ganun sa nangyayari, kasi may pinagsamahan din namankami nung tao, hindi naman...parang napaka-selfish naman ng dating mo, ‘di ba?

"I mean, life na niya yun. I'm just telling her na ifyou need anything or if you want anything, I'm here, I'm here to give you thosethings, if you want anything na iba-buy ko or may gusto kang bilhin or what,nandito lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"I mean, i-set aside na natin yung career-career na muna, magpakatotoong-tao namuna tayo for the situation."

Sa Babangon Ako'tDudurugin Kita, kapareha ni Yasmien for the third time si JC De Vera, attampok din dito ang tambalang Angelika dela Cruz at Marvin Agustin. Bida rin sadramang ito sa telebisyon si Ms. Dina Bonnevie, with Glydel Mercado, TontonGutierrez, Paolo Contis, Diana Zubiri, Ian de Leon, Jay Aquitania, LJ Reyes,Jenny Miller, Robert Ortega, at Patrick Garcia.

Yes, kasama ni Yasmien si Patrick sa show; nakausap na ba niYasmien si Patrick na ama ng dinadala ni Jennylyn?


"Not yet, hindi pa. Ayokong makialam, kasi..."


Ayaw niyang makialam kahit bilang kaibigan ni Jen?


"Hindi, ayokong makialam sa ganun, kasi nakakairita, kunwari kayo, may problemakayong couple ‘tapos may nakikialam sa gitna ninyo, nakakairita yung feeling nayun, hindi siya nakakatuwa."

KISSING SCENES. Sa Babangon Ako'tDudurugin Kita, magiging asawa ng character ni Yasmien na si Salve, siAlfred played by Marvin. Bilang mag-asawa, may mga eksena silang ginagawa ng mag-asawa, tulad ng love scene.


Kinumusta naman ang love scene nila Marvin.


"Okey lang po. Alam ninyo, sa sobrang respeto ko kay Kuya Marvin, na parangnakikita ko lagi na ‘pag magla-love scene kami, tawa kami nang tawa, hindinamin magawa-gawa. Hanggang bumaba si Direk [Joel Lamangan] from the OB van,tumingin na sa amin nang masama ‘tsaka, ‘Ano ba, gagawin n'yo ba o hindi?'

"So kami, ‘Tara gawin na natin,' ganun. Kasi sobrangnakakailang."


Napapanood na niya si Marvin noon pang wala pa siya sa showbiz.


"Oo, nanonood ako nun, e. Nung bata...ay, hindi naman! Bata rin naman siya nun,e," biglang kambiyo ni Yasmien sa sasabihin niya nang mapansing puwedeng gawanng issue ang mga bibitawan niyang salita.


Parang kuya ang tingin niya kay Marvin?


"Kuya po talaga, pati si Ate Angelika [dela Cruz]."


Paano niya ikukumpara ang halikan nila ni Marvin sa mga naging halikan nila niJC in the past?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Ayoko, hindi ako nagkukumpara, e," safe na sagot niya.


Pinilit pa rin namin siya at tinanong kung sino na lang ang mas masarapkahalikan?


"Kasi when I get to that scene ginagawa ko yung character ko," safe pa rinniyang sagot.


Hindi ba niya ninanamnam ang mga halik sa kanya?


"Hindi ko siya pinepersonal."


Sa pamimilit pa rin namin itinanong na lang ng PEP kung kanino ang mas torridna kissing scene.

"Kami ni JC," bigay na ring sagot ni Yasmien.


So, masasabi na ba niyang palaban na rin siya sa halikan?


"Hindi naman po. Siyempre TV pa rin po tayo at marami pa rin pong bata nananonood. Hindi naman po natin hahayaan na magmukha siyang hindi kaaya-aya sapaningin ng mga viewers."

Mapapanood na ang Babangon Ako't Dudurugin Kitaweeknights simula sa March 24 sa GMA Telebabad, sa direksyon ni Joel Lamangan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN