JC de Vera feels that Yasmien Kurdi is like a soulmate

Said JC de Vera when asked if he and Yasmien Kurdi talk about her non-showbiz boyfriend,"‘Pag magkasama kami hindi namin pinag-uusapan yun, e. Kapagkaming dalawa ang magkasama, kaming dalawa ang pinag-uusapan namin, sa amingdalawa lang. Tinatanong ko naman siya pero nirerespeto ko yung desisyon niya natahimik na lang about it. Hindi naman siya nagde-deny, e."



Handa nang makipagsabayan ang Drama Prince ng GMA-7 na si JCde Vera sa primetime via Gilda Olvidado's Babangon Ako't Dudurugin Kitaopposite Drama Princess Yasmien Kurdi. Also in the cast are some of the country's mostversatile actors and actresses like Marvin Agustin, Angelika dela Cruz, and Ms.Dina Bonnevie in a very special role.

First time masasabak ng binata saprimetime slot kaya excited siya sa pagsisimula ng serye sa darating na March24. "This is our third Sharon Cuneta movie starrer, kami ni Yasmien. The firsttwo was Sine Novela presents Pati Ba Pintig ng Puso? and Pasan Ko angDaigdig, both are afternoon dramas, kaya bale first primetime soap namintogether ni Yasmien ang Babangon.

"This is something big and unexpected actually sa akin.Nakaka-pressure in a way but I have to prove myself na hindi sila nagkamali sapagbibigay sa akin ng ganito kalaking break sa career ko," unang chika niJC nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand press launchng Babangon Ako't Dudurugin Kita, last night, March 12 sa Oasis, AuroraBoulevard, Quezon City.


Nararamdaman ba niya na isa siya sa mga paborito ng Kapuso network dahil sasunud-sunod niyang projects, sa TV at maging sa pelikula?


"Siguro hindi naman po favorite talaga, ano lang siguro, isa lang ako sanabibigyan ng chance. Happy ako dahil nabibigyan ako ng magagandang projectsand I owe it siyempre sa manager ko, sa GMA-7, at sa mga taong naniniwala sakakayahan ko as an actor," sagot ng guwapong aktor na gumaganap as Dereksa serye.


Hindi ba siya napi-pressure dahil isang magaling at batikang direktor sakatauhan ni Direk Joel Lamangan ang humahawak sa kanila?


"Well, hindi naman. Malaking bagay na naging direktor namin si Direk Joeland malaking bagay rin na sa first primetime show ko na lead, si Yasmien yungkasama ko. Malaking bagay talaga kasi yung confidence ko lalong tumataas dahilalam kong hindi nila ako pababayaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang comfortable na kami and even with Direk Joel,sobrang laki ng itinutulong niya sa akin, kaya ngayon sobrang confident nakami."


THE DIREK JOEL EXPERIENCE. How goes his experience in working with Direk JoelLamangan?



"Wala kaming problema kay Direk. Ang saya-saya namin at ang aga-aga namingnapa-pack-up parati sa set. Nakatrabaho ko na siya sa Pasan, secondstraight ko na siyang nakatrabaho.

"Si Direk Joel, very professional. Masyado siyangdisciplinarian, ayaw niya talaga yung nale-late, yung mababagal kumilos. Ayawniya talaga yung papasok ka sa set na hindi ka prepared. So kami, ang ginagawanamin, homework talaga kami, once na nakuha namin yung script, pinag-aaralanagad namin. Well-prepared kami 'pag dumarating sa set kasi nga strict talaga siDirek.

"Overall, sobrang okey siya. Very different si Direk saibang director. Magkakaroon ka ng comparison once na makatrabaho mo siya.Excited kami magtrabaho dahil 12 midnight pack-up na kami, " mahabangkuwento pa ni JC tungkol sa batikang direktor.


PLAYING A BEMBOL CHARACTER. Ang character na ginampanan ni Bembol Rocosa movie version ang ginagampanan ngayon ni JC sa primetime teleserye. Ano bangpreparation ang ginawa niya for the role?


Paglalarawan ni JC, "More on physical ang ginawa ko, nagpa-trim ako, nagpapayat pa akong lalopara mas magmukha akong bagets, nagtanggal ako ng bigote at nagbago ako nghairstyle. Kasi yung past show ko, yung Pasan, medyo mas maturedcompared dito. So, dito, kailangan kong mag-tone down ng kaunti. Dito ngayon,medyo nasa dark side kami, mga gang wars. Kinuha yung highlights noong originalmovie at nagdagdag ng ibang cast para madagdagan ng twists."

Hindi ba siya nangangamba na posibleng magkaroon ng comparisonang acting niya sa FAMAS and Urian award-winner na si Bembol Roco?


"Ang parati naman pong sinasabi sa amin, ‘pag may ginagawa kaming datingmovie na ginagawang serye sa TV, sinasabi sa amin, huwag niyong totally gayahinkung anuman yung ginawa ng actors sa original. At least, gumawa kayo ng sarilininyong style kung paano ninyo aatakihin yung character," ani JC sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mapapantayan kaya ni JC ang acting ni Bembol Roco?


"Feeling ko hindi. Kasi ibang atake yung ginawa ko."



ABOUT MS. D. Kinumusta rin namin kay JC ang experience niyangmakatrabaho ang iba pang kasama sa serye, tulad nina Angelika dela Cruz atMs. Dina Bonnevie.


"Lahat sila hindi ko ini-expect na ganoon ka-friendly, na very warm yungpag-welcome nila sa mga katulad namin. Si Ms. D, masyado siyang makuwento,walang dull moments sa kanya.

"Noong una, nakaka-intimidate siya pero once na makausap mona siya, wala ka nang problema. Very open siya kahit personal questions sinagotniya," kuwento pa ni JC tungkol kay Ms. D.


BLESSED WITH YAS. Ilang beses nang nagtambal sina JC at Yasmien, hindituloy maiwasang pag-isipan kung wala pa bang namumuong "pagtitinginan" sakanila. Ano na nga ba ang status ng relationship nila ni Yas?


"Thankful and very blessed ako na si Yas talaga ang nakaka-partner ko, asin very blessed ako na umabot kami sa ganito.

"Kung tatanungin nyo kung may nade-develop sa amin, siyempreafter each show, meron talagang nadi-develop. Hindi ko actually, ma-explainkung anong tawag sa 'special friendship' namin. Minsan yayakapin ko siya,yayakapin niya ako. Minsan hahawakan ko ang kamay niya. Sobrang comfortable nakami sa isa't isa, na wala na kaming malisya sa isa't isa. Mas dumagdag na yungtawagan namin, regular na ang pagti-text namin sa isa't isa. Busy lang yungscheds namin kaya hindi kami nakakalabas madalas. But once in a whilenakakalabas naman kami.

"Nag-post Valentine's Day dinner kami together. Wala langakong gift. Aminado naman kasi ako na hindi ako ganoon ka-thoughtful talaga.Pero mas masasabi ko, mas malambing kasi ako kesa sa magbibigay ako ngkung-anu-ano," kuwento pa ni JC.


Balita ring pinagseselosan na raw niya ngayon ang tunay na boyfriend niYasmien.



"Ewan ko po. ‘Pag magkasama kami hindi namin pinag-uusapan yon, e. Kapagkaming dalawa ang magkasama, kaming dalawa ang pinag-uusapan namin, sa amingdalawa lang. Tinatanong ko naman siya pero nirerespeto ko yung desisyon niya natahimik na lang about it. Hindi naman siya nagde-deny, e. Hindi ko rininuungkat ang love life niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ano ba yung qualities ni Yasmien na gustung-gusto niya?


"Yung eyes niya maganda, yun nga ang sinasabi ng iba na pareho raw kami.Bagay raw kami kasi yung eyes namin parang nagko-connect daw. Si Yasmien kasi,may charm na hindi ko ma-explain, e.

"Yung friendship namin, nasa level na kami na napag-uusapanna namin na kahit anong sikreto at problema, puwede naming sabihin sa isa'tisa. Yun ang puwede kong ipagmalaki ngayon, may usapan na kami na personal natalaga. Dati kasi, tamang comfortable, ngayon feeling ko parang soulmates nanga kami, e," pagkukuwento pa ng binata sa closeness at friendship nila niYasmien.


ON LEVEL WITH ‘CHARD? Since siya ang binansagang Drama Prince ng GMA-7,masasabi ba niyang magka-level na sila ni Richard Gutierrez pagdating sakasikatan?

"No comment ako diyan. Kasi si Richard, si Richard nayun, e. Parang kapatid ko na rin si Richard. Hindi ako nag-e-expect na soon aymagiging katulad ko si Richard.

"Flattered ako 'pag nako-compare ako kay Richard. Actually,isa siya sa mga hinahangaan ko, kasi very professional talaga. Very dedicated.Yung pag-iisip niya towards work, iba, e. Iba talaga. Naa-adopt namin [yungpagiging very professional ni Richard]." Manager kasi ni JC ang mommy niRichard na si Annabelle Rama.

"At si Richard, grounded at very humble pa rin, hindi siyanagbabago. Anytime puwede pa rin namin [other talents of Annabelle Rama] siyangi-approach. Flattering na ma-compare ako sa kanya. It's really an honor. Lahatnaman gustong ma-reach yung narating ni Richard. But as much as possible I wantto build my own name.

"Idol ko sina Christopher de Leon and Johnny Delgado andsomeday gusto ko ring ma-achieve yung narating at nagawa nila saindustry," pagwawakas ni JC sa aming interview.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN