Jolina Magdangal-Gabby Concepcion movie is a go!

Jolina Magdangal says she prayed really hard for her movie with Gabby Concepcion to push through.


Masayang-masaya si Jolina Magdangal dahil sa wakas aymatutuloy na rin ang pelikulang pagsasamahan nila ni Gabby Concepcion. Love Cruise ang working title ng movie.

Natuloy nga ang story conference sa Manila Polo Club in Makati City para sanaturang film project ng GMA Films na kukunan sa Europe, particularly sa Amsterdam, Netherlands; at sa Italy. Sa isang luxury cruise liner saGenoa, Italy nila kukunan ang maraming eksena ng pelikula. Gumaganap si Jolens dito bilangisang overseas Filipino worker na nagtatrabaho sa luxury liner.

FOR THE OFWs. Ang makakasama pa ni Jolens sa pelikula bukod kay Gabby Concepcion ay sina RufaMae Quinto, Eugene Domingo, Rhian Ramos, at Mark Herras. Si Mark Reyes angdirector nito mula sa script ni Senedy Que.

Sabi nga ni Jolens sa PEP (Philippine Entertainment Portal), matagal daw niyangipinagdasal na matuloy ang pelikulang ito dahil almost one year daw itonginalagaan at inasikaso ng GMA Films. Ang naging producer pala ni Jolens ng showniya before sa Europe na si Vic Alcuaz ang siyang nakaisip na mag-produce ngpelikula na ito na tungkol sa mga OFW.

"Naging interesado siya na gumawa ng ganitong klaseng project para nga sa mgakababayan natin na nagwu-work sa Europe. Kaya tinulungan namin siya namakipag-meeting with GMA Films at pati na rin sa pakikipag-usap kay GabbyConcepcion. Since kaibigan si Gabby ng pamilya namin, talagang kinarir dinnamin ang pag-convince sa kanya na magkaroon ng comeback film," excited na kuwento niJolina sa PEP.

DREAMER ON A CRUISE. Sa Love Cruise ay gagampanan ni Jolens ang role ng isang staffsa isang luxury cruise liner. Mapaniwala siya sa mga hula-hula dahil matagal naniyang hinahanap ang lalaki na para sa kanya.

"Dreamer ako rito at talagang looking for my destiny. Nagkataon na si Gabby angnagpo-possess ng mga hinula sa akin. Basta nakakatuwa ang mga eksena namin dito,ayon sa pagkakakuwento sa amin. Si Rufa Mae naman dito, crew staff din siya nalounge singer at the same time. Mai-in love din siya kay Gabby rito kaya magkakaroon kami ng parang triangle. Bastanakakatawa ang mga eksena namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala nga raw magiging problema sa mga maiiwan na trabaho sa Pinas ni Jolensonce na magsimula na silang mag-shoot by the end of the month. May PinoyIdol kasi si Jolens na ilu-launch na sa April at may SOP pa siya every Sunday.

"Naayos namang lahat ang schedules ko para ma-accommodate ang shooting saEurope," diin ni Jolens. "Noong i-submit ang credentials ko for Pinoy Idol,kasama ang shooting schedules ko rito for Love Cruise kaya walangproblema."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN