Paolo Rivero does "mouth-to-mouth" scene with Jiro Manio

by Archie de Calma
Mar 13, 2008
"Okey lang ang mouth-to-mouth na lalaki sa lalaki, kasi nangyayari naman yan kung may nalulunod talaga. Even lifesavers, they come to the rescue kahit babae, lalaki o bakla pa ang nalulunod, e. Buhay ang dapat mong sagipin, 'di ba?" Paolo Rivero says about a scene with co-star Jiro Manio in the movie Manay Po 2 Overload.

Nagnenegosyo na lang si Paolo Rivero sa Bacolod nang magkaroon ng ilang tempting offers para balikan niya ang pag-aartista. Inamin niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nami-miss na niya ang larangan ng pagganap, at sa palagay niya'y may unfinished business pa siya rito.

"Dumating yung Daybreak, 'tapos, yung Manay Po 2 Overload, na sa tingin ko, projects na kahit paano'y makaka-create ng ingay, kaya tinanggap ko. Besides, magaganda yung roles na hindi na nakakahiya for a comeback," pagtatapat ni Paolo.

CALL CENTER AGENT. Bago pa ito, ibang buhay ang itinakbo sa araw-araw nitong si Paolo. Nag-call center agent siya.

"Ito ang more stable job ko sa ngayon," aniya. "Ito talaga ang bumubuhay sa akin. Lumalabas ngang sideline ko na lang ang pag-aartista, pero may gusto pa rin kasi akong gawin as an actor, naroroon pa rin yung passion.

"Kaya kahit maganda na rin ang posisyon ko sa kumpanya, napagpursigihan ko na maging flexible ang time ko, kaya napapagbigyan ko ang paglabas sa pelikula at TV," dugtong pa ni Paolo.

Continue reading below ↓

Managerial job ang hawak ni Paolo sa isang leading call center, na ayaw nang ipamalita pa ng aktor kung anong kumpanya ito. Pinagsikapan niya ang posisyong ito nang sa gayon ay hindi siya nakatali sa work shifts.

"Ilang buwan lang, nakuha ko na ang posisyon. Hindi nga ako nagdaan sa pagiging team leader," sabi pa niya.

SAVING A LIFE ONSCREEN. Aksidente pa nga ang pagkakakuha niya ng role sa Manay Po 2, bilang swimming instructor at teacher na pag-iinteresan ng karakter ni Jiro Manio.

"Nag-back out kasi si Dion Ignacio," sabi ni Paolo. "Sa kanya talaga yung role, pero for whatever reason, hindi siya pumuwede. Wala naman akong nakitang hindi maganda sa role, kaya okey lang. Tinanggap ko."

Ang medyo magiging kontrobersiyal na eksena nina Paolo at Jiro rito ay yung mouth-to-mouth resuscitation.

"Malulunod kunwari si Jiro sa isang eksena, sasagipin ko siya, being his instructor. 'Tapos, ima-mouth-to-mouth ko siya," kaswal na sabi ni Paolo.

Continue reading below ↓

"Okey lang ang mouth-to-mouth na lalaki sa lalaki, kasi, nangyayari naman yan kung may nalulunod talaga. Even lifesavers, they come to the rescue kahit babae, lalaki o bakla pa ang nalulunod, e. Buhay ang dapat mong sagipin, 'di ba?

"So, naiintindihan ko ang role. Walang problema.

"Ang napansin ko lang, parang nanibago si Jiro. Medyo natulala pagkatapos," natatawang kuwento ni Paolo.

SURVIVING OUTSIDE SHOWBIZ. Hindi na full-time actor si Paolo at dapat ay ganito ang gawing diskarte ng ibang parang nakapako na lang sa pag-aartista ang takbo ng utak.

"Kailangang umisip ka ng paraan para maka-survive," sabi pa ni Paolo. "Mahirap din ang trabaho ko sa call center. Ako ang titingin sa lahat, lalo na kung on duty ako.

"Hindi madali ang pag-asenso sa call center. Ang advantage ko lang kasi, may leadership training ako. Then, may experience ako sa pagpapatakbo ng hotel
namin sa Bataan noon. Nagamit ko yung napag-aralan ko roon."

Continue reading below ↓

Si Noel Ferrer ang tumatayong manager ni Paolo sa ngayon, at habang may free time siya, naisisingit pa ang pailan-ilang araw na shooting o taping.

Read Next
Read More Stories About
Paolo Rivero, Jiro Manio
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Okey lang ang mouth-to-mouth na lalaki sa lalaki, kasi nangyayari naman yan kung may nalulunod talaga. Even lifesavers, they come to the rescue kahit babae, lalaki o bakla pa ang nalulunod, e. Buhay ang dapat mong sagipin, 'di ba?" Paolo Rivero says about a scene with co-star Jiro Manio in the movie Manay Po 2 Overload.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results