Glydel Mercado in acting showdown with Dina Bonnevie in "Babangon Ako't Dudurugin Kita"

"Ako talaga ang nang-aapi kay Dina sa istorya. Most of our scenes, magkasama kami, nagtatarayan, nagpaparunggitan," Glydel Mercado gives a preview of her scenes with another great actress, Dina Bonnevie.



Portrait of marital contentment ang dating ni GlydelMercado. Isa sa iilang dating sexy stars na nang lumagay sa tahimik, aytalagang nanahimik. Inalam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sikretosa magandang pagsasama nila ng aktor na si Tonton Gutierrez.

"Nagpapasalamat na lang ako na nang magpakasal kami ni Tonton, talagangtumutok na siya sa pagpapamilya," naipahayag pa ni Glydel.

"Wala talagang anumang naging tsismis, unlike the time when we were stillmag-boyfriend. Iba kasi noon, marami ring nang-iintriga. At saka nag-lie lowako sa pag-aartista kaya siguro walang masyadong nagkainteres na intrigahinkami," dugtong pa ng aktres.

Wala namang nabago talaga sa kanilang buhay-may-asawa kumbaga.

"'Yun nga lang, ngayong nag-aartista uli ako, hindi na puwede sa akin angsexy role. Bukod sa hindi na bagay, ayoko na rin talaga. May binabagayan natalaga 'yan.

"Then, ngayon, may inaalagaan na akong bata. Four years old na si Aneeza.Hindi pa nga nasusundan. Wala naman kaming balak mag-family planning, perokahit sinusubukan namin, hindi pa dumarating yung kasunod," natatawangsabi pa ni Glydel.

THE PRIME KONTRABIDA. Excited si Glydel sa acting showdown nila ni DinaBonnevie sa Babangon Ako't Dudurugin Kita. Lumalabas na si Glydel angprime kontrabida ng bagong teleseryeng ito ng GMA-7.

"Ako talaga ang nang-aapi kay Dina sa istorya," sabi pa ni Glydel."Most of our scenes, magkasama kami, nagtatarayan, nagpaparunggitan.

"Naging biktima rin niya ako sa istorya dahil may pinasabog na bomba siDina rito at napuruhan ako, kaya may eksenang naka-prosthetics ako. Ibang-ibana ang istorya nito sa movie version starring Sharon Cuneta and HildaKoronel."

Nakalabas na siya sa Etheria noon, at maski sa Dos, umapir siya bilangsuporta sa Sana, Maulit Muli.

"Pero, pinakamarkado so far itong sa Babangon," lahad niGlydel.

"Nakaganap na ako ng kontrabida roles in the past, kaya pinag-aralan koitong bagong role ko, at kailangang gawin kong naiiba ito.

"At saka properly motivated kami ni Direk Joel [Lamangan]. Ayaw niya yungmaraming mannerisms at malikot ang katawan, kaya yun ang iniingatan ko,"dugtong ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatrabaho na ni Direk Joel si Glydel sa maraming shows at pelikula, includingGlydel's grandslam victory for Sidhi. Nagwagi siya rito as BestSupporting Actress in all the award-giving events.

"Isang bonggang factor nga kaya masaya ako sa role ko ay yung I get to pittalents with Dina, na isa talaga sa hinahangaan kong aktres," sabi pa ni Glydel.

LUCKY FOR TONTON. Sa gitna ng mga napapabalitang naghihiwalayang showbizcouples, nalulungkot si Glydel tungkol dito.

"Hindi na kami lalayo kina Monching [Ramon Christopher] at Lotlot [de Leon],mga kasama na yan sa pamilya namin," sabi pa ni Glydel. "Nakapanghihinayang,kasi, matagal na silang nagsasama.

"Hindi naman natin alam kung ano talaga ang nangyari sa kanila. Pero, saamin ni Tonton, talagang na-realize ko, likas na mabait ang asawa ko. Hindi akonagkamali sa pagpili.

"Solid lang talaga siguro yung foundation namin, na dedicated kami para saisa't isa.

"Yun nga lang, wish namin na masundan pa si Aneeza. We have been trying.Kasi, 34 years old na ako. By 50, yung susunod naming anak 20 years old na, kungsakali.

"Gusto naming ma-enjoy ang mga anak namin habang mga bata pa kami," sabi ni Glydel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN