Mark Herras responds to haters of his loveteam with Rhian Ramos

"Ayoko munang ma-involve kahit kanino. Ayaw ko ringsabihin na porke't love team kami, liligawan ko siya. Hindi imposiblenghindi ko siya magustuhan. Pero sa ngayon, trabaho muna at katataposlang ng isa kong relasyon," says Mark Herras about screen partner Rhian Ramos (inset).



Bagong gising yata si Mark Herras nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Annabel's restaurant kahapon, March 13. Late sa appointment ang young actor dahil inumaga raw sila sa taping ng Joaquin Bordado.



Kinailangang ipa-interview ng GMA Artist Center si Mark dahil bukod sa magandang review sa performance nito sa Joaquin Bordado—sabi ng ilang viewers, first time nilang napapanood umarte ang actor minus his trademark kunot-noo—paalis ang young actor sa April 4 para mag-shooting ng pelikulang My Holiday-Off (The Love Cruise) sa Italy.



Malaki ang pasasalamat ni Mark sa GMA Films sa pagkakasama niya sa pelikula, lalo't first time niya sa Italy.



"Ten days ako doon, April 4 to April 14 ang shooting schedule ko. Sa Genoa, Italy ang port of entry namin, pero from Manila, diretso kami sa Amsterdam, then Rome kung saan mag-o-overnight kami. Approved na lahat ang papers namin sa Embassy. Biglaan lahat ‘to at sa storycon ko lang nalamang kasama ako sa cast," kuwento ni Mark.



Inihahanda na ni Mark sa pagod ang sarili dahil wala silang kasamang alalay at lahat ng kasama ay doble ang magiging trabaho. Napag-usapan na magtutulung-tulong sila sa lahat dahil wala nga silang kasamang alalay.



Ikinuwento rin ni Mark ang kanyang role sa Love Cruise, kung paano siya nagtrabaho sa cruise ship, at kung paano sila magkikita ni Rhian Ramos na makakapareha niya sa pelikula.

JENNYLYN'S PREGNANCY. Tinanong si Mark kung aware ba siya na kung hindi nabuntis si Jennylyn Mercado ay sila sana ang magkapareha sa pelikula. Sa panlalaki ng mga mata nito at pagkagulat, obvious na wala siyang alam sa background sa casting.

Nabaling ang usapan sa pagbubuntis ni Jennylyn. Para wala na lang daw intriga, hindi na inulit ni Mark ang pagbibigay ng healthy drink sa former love team partner at ex-girlfriend niya. Ayaw na rin niyang magsalita, pero maiinggit si Patrick Garcia sa ikinuwento ni Mark na nahipo na niya ang lumalaking tiyan ni Jen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nagpaalam ako kung puwedeng mahipo yung tiyan niya at pumayag siya. Sana maging healthy ang baby ni Jen. Kung anuman ang nangyari sa kanila ni Patrick, maging maayos na lang for Jen and her baby. Kawawa naman ang baby," pahayag niya.

MARK-RHIAN HATERS. Samantala, alam pala ni Mark na may mga ayaw sa love team nila ni Rhian. Kung ang press ay ini-email ng Rhian haters, si Mark ay tini-text naman ng mga hindi niya kilala para sabihing ayaw nila sa love team nilang dalawa.



"May mga nagti-text sa akin, hindi ko mga kilala at nakikiusap na huwag nang ituloy ang love team namin [ni Rhian] dahil wala raw chemistry. Sabi pa nila, ang Richard [Gutierrez]-Rhian love team ay created ng fans, ganun din ang Mark-Jennylyn love team.

"Sa amin daw ni Rhian, walang may gusto. Sabihin ko sanang hindi kami natalo sa rating, hindi natalo sa rating ng katapat ang My Only Love. Hindi man ganun kataas ang rating, pero hindi rin natalo. Hindi ko na lang sinagot, sayang ang load," sabi ni Mark.



Nali-link uli sina Mark at Rhian kung kailan tapos na ang My Only Love. Sabi ay madalas silang magkasama at nagbantay pa sa kanya ang young actress sa taping ng Joaquin Bordado. May nag-iisip tuloy na advanced promo ito sa My Holiday-Off (The Love Cruise) na kundi May ay June pa ang playdate.



"Hindi siya nagbantay at bakit niya gagawin ‘yon? Marami ring ginagawa yung tao para bantayan pa ako. May school siya at graduating yata, kaya busy," paliwanag ni Mark.



Any message sa mga taong ayaw sa love team nila ni Rhian?



"Naiintindihan ko na hindi lahat ng tao ay kaya naming i-please," sabi ni Mark. "Sa amin ni Jen before, may ayaw din at alam kong mas maraming may ayaw sa tambalan namin ni Rhian. Hindi naman puwedeng pakiusapan ang lahat na mahalin ang love team namin. Hindi rin puwedeng hindi namin tanggapin ang trabaho dahil ayaw ng fans. Bigay sa amin ito ng GMA Films at kung hindi ko tatanggapin, baka mawalan ako ng trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Inulit ni Mark ang sinabing wala silang romantic involvement ni Rhian. Kaibigan at katrabaho lang niya raw ang young actress at nakilala sila nang husto nang gawin nila ang My Only Love. Supportive daw ang dalaga at malambing off-cam kaya siguro nami-misinterpret.



Type ba niyang ligawan si Rhian?



"Ayoko munang ma-involve kahit kanino," sagot niya. "Ayaw ko ring sabihin na porke't love team kami, liligawan ko siya. Hindi imposibleng hindi ko siya magustuhan. Pero sa ngayon, trabaho muna at katatapos lang ng isa kong relasyon," paliwanag ni Mark, na tinutukoy ang breakup nila ng dancer na si Lian Paz.

Excited na sina Mark at Rhian na makatrabaho si Gabby at sasabihin daw nilang ginawa nila ang TV remake ng My Only Love. Kilala ni Mark ang aktor bilang dating talent ng manager niyang si Lolit Solis at bilang first endorser ng Bizaare T-shirt na ini-endorse niya ngayon.



Tinext ng PEP si Rhian para itanong kung kailan ang alis niya for Italy. April 4 din ang sagot nito at, ibig sabihin, sabay silang aalis ni Mark. Ipinagbawal din kaya ng GMA Films kay Rhian ang may kasama papuntang Italy?

Sa Holy Week, nasa Boracay si Mark. Pero hindi si Rhian o sinumang babae ang kanyang kasama. Sina Paolo Contis, Isabel Oli, at ilan pang mga kaibigan ang makakasama niya.

Ipinauna nga lang nito na hindi siya makikitang naka-swimming trunks dahil hanggang boardwalk shorts lang daw ang kaya niyang isuot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN