KC Concepcion reportedly met with Star Cinema for initial talks on her first movie

KC Concepcion has reportedly met with the executives of Star Cinema for initial talks about her first film.



Nag-text sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isang source at ibinalitang nakipag-meeting na si KC Concepcion with Star Cinema's top management last Tuesday, March 11. Sa sobrang excitement ng source, hindi nito nabanggit kung saan, anong oras, at sino ang naka-meeting ng panganay na anak ni Sharon Cuneta.



Ang alam lang ng source, tungkol sa gagawing pelikula ni KC sa Star Cinema ang rason ng meeting na tumagal din daw ng ilang oras. Matagal nang nabalitang may two-picture offer ang Star Cinema kay KC. Nabanggit na rin ng dalaga na she's ready to do movies at ang nire-request lang ay mag-undergo siya ng extensive acting workshop bilang paghahanda.



Agad nagsaliksik ang PEP at nakumpirmang nagkaroon nga ng meeting si KC. Pero concept pa lang ng gagawin niyang pelikula sa Star Cinema ang napag-usapan. Kumbaga, wala pang definite project at hindi pa rin ito pumipirma ng kontrata.



Sina Sam Milby, John Lloyd Cruz, at Piolo Pascual ang nabalitang makakapareha ni KC sa pelikulang gagawin niya sa Star Cinema. Nagpahayag na ng katuwaan ang mga nabanggit na young actors.



Ang inaalam ngayon ng PEP ay kung napag-usapan ba sa meeting ang co-production offer ng GMA Films for a KC Concepcion-Richard Gutierrez movie. Sa isang TV interview, sinabi ni Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films na nagpadala na siya ng feelers sa Star Cinema tungkol dito. Pero wala pa yatang sagot at hindi pa nagpaparamdam ang mga taga-Star Cinema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN