John Prats will do all to win Shaina Magdayao's heart

"Nanliligaw pa lang talaga ako sa kanya. Kung magiging kami na, we'll letyou know, promise!" says John Prats when asked about the real score between him and Shaina Magdayao.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay John Pratskagabi, March 13, sa presscon ng Manay Po 2 Overload, sinabi niya nakahit nililigawan niya ang young actress na si Shaina Magdayao ay hindi pa sila nagdi-date.

Sabi ni John, "We don't go out. Dumadalaw lang ako sa house nila, ganun palang. Gusto ko nga sometime this year, how I wish siyempre makapanood din kaming movie together."

Ayaw ba ni Shaina na lumalabas sila?

"Gusto niya rin naman," sagot ni John. Siyempre gusto namin, respectdin sa dad niya. Siya yung bunsong anak, so dapat sa bahay muna ako. I'lldo that first," sambit pa niya.

ALL FOR LOVE. Isa sa dating manliligaw ni Shaina ang ka-love teamniyang si Rayver Cruz, pero itinigil na nito ang panliligaw kay Shaina nangmanligaw din dito si John.

Sa tingin ba ni John, malaki na ang tsansa na sagutin siya ni Shaina ngayongsiya na lang ang nanliligaw dito?

"Kung may nanliligaw sa kanya o wala, hindi mababago yung pananaw ko naparang hindi ako puwedeng maging kampante. Lalo na kung magiging girlfriend kona siya, mas lalo akong dapat hindi maging kampante kasi, kayo na, e. Sodalawa na lang ang pupuntahan nun, it's either magsa-succeed kayo ormagbi-break kayo."

Kung sakaling magiging sila na ni Shaina, sa tingin niya ba ito na talaga angmagiging huling babae sa buhay niya?

"I really hope so and yun sana. Alam ninyo ayaw kong magsalita nangpatapos, ever since hindi talaga ako nagsasalita nang patapos. Pero as of now,ang masasabi ko talaga, I'll do everything this time," paniniyak pa niJohn.

Kelan nga ba siya sasagutin ni Shaina? Hindi niya ba natatanong dito?

"Gusto ko rin naman siyang tanungin, siyempre. ButI don't want her to think that I'm rushing. So I'll just wait na lang forthe right time and the right moment.

"I've experienced na rin naman yung may madali akong napasagot, na aftertwo months, kayo, ‘tapos after nun, biglang may mga ugaling lalabas, isa sainyo ang masasaktan. So I don't want that to happen to us, especially, I don't want tohurt Shaina. Kung gusto niya muna akong kilalanin pa, e di sige, ‘di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin naman ni John ay malaki ba ang tsansa niya na mapasagot si Shaina?

"Siguro, hindi rin ako mag-aano nang ganito kung walang pupuntahan din. Satingin ko naman, may magandang kalalabasan ang panliligaw ko kay Shaina,"sagot ni John.

Sa darating na HolyWeek, si Shaina ba ang makakasama niya?

"Hindi kami magkasama, sa bahay lang ako with my family. I think siShaina's gonna spend yata Holy Week sa Hong Kong with her family."

RELUCTANT LOVETEAM. Dahil nga sa panliligaw ni John kay Shaina ay nagingdahilan ito para ipareha na lang sa iba si Rayver. Sa bagong episode ng YourSong na napapanood tuwing Linggo sa ABS-CBN ay si Maja Salvador at hindi nasi Shaina ang kapareha ni Rayver.

Tuwing Sunday ay may production number sa ASAP ‘08 ang Dance Fourcomposed of Maja, John, Shaina, at Rayver. Si Shaina ang laging partner niRayver. Pero nung nakaraang Linggo sa ASAP ‘08 ay si Maja ang kaparehani Rayver, at si John ang ipinareha kay Shaina.

Mukhang pinagbibigyan na rin ng Dos na sina John at Shaina na lang ang gawingpartner at si Rayver ay permanenteng ipareha na lang kay Maja. Tila nagiging exclusive na si Shaina kay John.

"Yun nga ang ayaw kong lumabas o mangyari, e. There were offers for us,but both of us, ayaw namin. Kasi ayaw naming isipin ng mga tao na yun ang pointnamin na kami na lang ang maging partner.

"Siguro kung yun ang point ko, matagal ko nang sinabi na type ko siShaina, matagal na akong nagpakilig, matagal ko nang ginagawa. But never ninyonamang narinig sa side ko yun at never kong ginawa yun," paliwanag pa ni John.

Tila nagiging exclusive na sa isa't isa sina Shaina at John, tanong tuloy ngfans, hindi pa ba talaga sila ni Shaina?

"Nanliligaw pa lang talaga ako sa kanya. Kung magiging kami na, we'll letyou know, promise!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN