Nadia Montenegro on rift with Gretchen: "Alam ng Diyos kung anong totoo."

In a recent interview with GMA-7's Lhar Santiago, former actress Nadia Montenegro confessed that her falling out with good friend Gretchen Barretto scarred her deeply.


Nakapanayam recently ng GMA-7 News ang former actress na si Nadia Montenegro sa birthday party ni Paolo Contis na ginanap kamakailan.

Ngayon lang ulit humarap sa publiko sa Nadia matapos ang much-publicized na alitan nila ng dating matalik na kaibigan na si Gretchen Barretto.

Matatandaang nagsimula ang alitan nila ni Gretchen nang idiin nito na si Nadia ang nagkakalat ng mga mapanirang tsismis tungkol sa kanya, bagay na itinanggi naman ni Nadia. Humantong ang usapin sa isang mainit na kumprontasyon at diumano'y batuhan ng baso sa Hotel Rembrandt sa Quezon City, noong Pebrero 20.

Barely a month matapos ang insidente, inamin ni Nadia kay Lhar Santiago na labis siyang nasaktan sa kinahinatnan ng kanilang pagkakaibigan.

"Masakit, Lhar," bungad ni Nadia. "Siguro mga two weeks. Actually, today lang ako bumangon for Paolo [Contis]. Nagkasakit ako, dinadamdam ko. I still maintain that the truth...the truth naman is, alam ng Diyos kung ano'ng totoo."

Sinabi ni Nadia na naging eye-opener para sa kanya ang lahat ng nangyari.

"Ang masakit lang is akala ko pagka inalagaan mo ang isang friendship, binigay mo 101 percent, sapat na ‘yon. Kulang pa pala. You shouldn't give pala everything," himutok nito.

Labis na pinanghihinayangan ni Nadia na hindi man lang muna sila nakapag-usap nang sarilinan para malinawan kung ano mang issue ang dinadala ni Greta against her. Pakiramdam ni Nadia, na-aggravate ang situwasyon dahil naging very public ang kanilang misunderstanding.

"'Tsaka naniniwala ako ‘pag magkaibigan kayo, dapat dinadaan muna sa usapan at hindi ka dapat naniniwala," paliwanag ni Nadia.

Dahil nga sa naging sigalot ay lalong naging matingkad para kay Nadia ang pinayo sa kanya ng Megastar patungkol sa friendship at pakikitungo sa mga tao.

"Parati ko na lang tatandaan ang sinabi sa ‘kin ni Sharon Cuneta," bulalas ni Nadia. "It's not wrong to be nice to everybody but you have to be true to just a few."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN