Jenny Miller says hot scene with Marvin Agustin is her first on TV

"Si Marvin kilala ko ‘yan. Hindi ako ang magugustuhan niyan. Pagnanasaan lang niya ako! Maglalaway lang siya, pero hindi niya ako seseryosohin!" Jenny Miller says no chance for her and Marvin Agustin to be an item.


Mainit na mainit ang mga eksena ni Jenny Miller kasama si Marvin Agustin sa bagong GMA primetime drama na Babangon Ako't Dudurugin Kita. Hindi na nga mabilang ni Jenny kung ilang beses na naglapat ang mga labi at katawan nila ni Marvin sa naturang soap drama.

Wala naman daw siyang kinaayawan sa mga maiinit na eksenang iyon, dahil matagal na niyang kaibigan si Marvin at kumportable raw siya sa aktor.

"Sa totoo lang, first time ko na gawin ang mga gano'ng eksena sa isang TV show," pagtatapat ni Jenny.

"Usually kasi mga comedies ang ginagawa ko na nagpapa-sexy lang ako. Dito naman talagang hindi na ako nagdalawang-isip na gawin ang mga hot scenes na iyon with Marvin. Unang-una, maganda at malaki ang project ‘tapos ang director pa namin ay si Joel Lamangan. Kaya sino naman ang ‘di papayag, ‘di ba?"

FIRST TIME. Pero inamin din ni Jenny na kinabahan daw siya sa unang lampungan na eksena nila ni Marvin. Dinaan na lang daw niya sa patawa-tawa para hindi niya maramdaman ang kaba sa dibdib niya.

"First time ko kasi sa gano'ng eksena kaya may mga kaba pa ako sa dibdib. Si Marvin ang nagpawala ng kaba ko. Nagpapatawa siya at ako naman mababaw ang kaligayahan ko, tatawa-tawa naman ako. Kaya noong take na, sige nagsunggaban na lang kami ni Marvin! Laplapan na kung laplapan!

"Tsaka nag-dare sa amin si Direk Joel na since magagaling daw kaming mga artista, gusto niya take one lang ang mga eksena namin na gano'n para ‘di na kami magtagal pa. Ayaw na ni Direk Joel na paulit-ulit kaya ginalingan na namin ni Marvin ang laplapan namin!

NOT HIS TYPE. Biniro nga namin si Jenny na baka naman pareho silang nadarang ni Marvin sa mga eksenang iyon since loveless naman silang dalawa at baka na-miss na nila ang gano'ng mga eksena sa tunay na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku hindi naman. Kami ni Marvin, naging professional lang kami. Gusto namin kasi na makatotohanan ang mga ginagawa namin. ‘Tsaka, matagal ko nang friend si Marvin. Talagang barkada 'yan noon pa, kaya trabaho lang lahat. As in, mga artista kami, ginagawa lang namin ang work namin."

Paano kung biglang magparamdam si Marvin na type siya nito? Okey lang ba kung pormahan siya ni Marvin?

"Nakakalokah naman!" tawa niya. "Eksena lang naman iyon, paano naman siya magkaka-type sa akin? Si Marvin pa. E, alam ko ang mga type niya. Hindi ako qualified!

"Pero seriously, hindi naman yata darating sa gano'n. Like what I said, si Marvin kilala ko ‘yan. Hindi ako ang magugustuhan niyan. Pagnanasaan lang niya ako! Maglalaway lang siya, pero hindi niya ako seseryosohin!

"If ever nga na biglang nag-serious siya, ako mismo gigising sa kanya sa katotohanan na hindi kami bagay. Bagay pa rin sila ni Jolina Magdangal!" natatawang pagtatapos ni Jenny Miller.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN