John Prats is ecstatic about sister Camille's son Nathan

"Mas una ko pa ngang hinawakan si Nathan kesa kay Cams [Camille Prats]. Noong dumating nga siya from the States, yung baby agad ang nilapitan ko. Sabi sa akin ni Cams, ‘Uy, nandito na ako!' Natawa nga ako kasi parang ‘di ko siya napansin. Yung baby kasi ang una kong nakita," John Prats happily relates his excitement at seeing and holding his nephew Nathan.


Natutuwa si John Prats sa kanyang pamangkin na si Nathan, anak ng kanyang nakababatang kapatid na si Camille (Prats) dahil hindi raw nagmana ang kulay nito sa pamilya nila. Moreno raw ito at malaki ang hawig sa asawa ni Camille na si Anthony.

Sabi nga ni John, lalaking-lalaki ang kutis ng kanyang pamangkin at naiinggit nga raw siya sa kulay ng balat nito.

"Kami kasing magkakapatid, mapuputi kami. Gusto ko ngang magpaitim kasi mas lalaki ang dating, ‘di ba?

"Noong una ko ngang makita si Nathan in person, napangiti ako kasi na-realize ko na uncle na pala ako. May pamangkin na ako kaya iba rin ang feeling.

"Mas una ko pa ngang hinawakan si Nathan kesa kay Cams. Noong dumating nga siya from the States, yung baby agad ang nilapitan ko. Sabi sa akin ni Cams, ‘Uy, nandito na ako!' Natawa nga ako kasi parang ‘di ko siya napansin. Yung baby kasi ang una kong nakita," nakangiting kuwento pa ni John.

EXCLUSIVELY DATING SHAINA. Wala pa naman sa plano ni John ang mag-asawa na dahil marami pa raw siyang gustong mangyari sa buhay niya. Plus the fact na wala pa siyang serious na karelasyon ngayon. Tungkol sa kanila ni Shaina Magdayao, exclusively dating lang daw sila.

"Nasabi ko na before na bata pa naman si Shaina at hindi pa siya ready for a serious relationship. Nasabi ko rin na willing akong maghintay. Kapag seryoso naman ako sa isang babae, bale wala sa akin ang maghintay.

"Sa ngayon, gano'n lang kami ni Shaina. Busy rin kasi siya kaya hindi kami parating nakakalabas. I visit her sa bahay kasi yun ang gusto ng pamilya niya. We're taking things slowly. Walang reason para magmadali kaming dalawa."

Bida nga ulit si John, kasama sina Polo Ravales at Jiro Manio, sa Manay Po 2: Overload mula sa Regal Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN