LJ Reyes talks about present and past boyfriends

"Basta ako, okey ang buhay ko and sana maging masaya na rin sila for me." LJ Reyes gives this message to her past boyfriends. She's happy now with her current boyfriend, a nephew of SM chain of malls owner Henry Sy.


Hindi na nga itinatago ni LJ Reyes ang nababalitang relasyon niya sa apo ng mega businessman na si Henry Sy (may-ari ng SM chain of malls). Ayaw ngang banggitin ni LJ ang name ng guy dahil hindi naman daw taga-showbiz ito.

"Pribadong tao siya at nirerespeto ko iyon. Sana naman bigyan din natin ng respeto ang kahilingan niya. Okey kami and he's very supportive sa mga ginagawa ko," ngiti pa ni LJ.

CLOSURE WTH ALFRED. Matagal ngang nanahimik si LJ tungkol sa naging ending ng relasyon niya with Alfred Vargas. Naguluhan lang daw siya noong mga panahon na iyon kaya mas mabuti raw na manahimik na lang siya hanggang sa mamatay ang issue.

"Sana nga naiintindihan n'yo ako noong mga panahon na umiiwas ako. Hindi madali for me na pagdaanan ang gano'n. Lahat naman siguro ng babae na dumaan sa situwasyon na iyon, will just keep it to herself muna.

"Ngayon kasi puwede ko nang pag-usapan because I have moved on at may nakapagsabi na rin sa akin na nakapag-move on na rin si Alfred."

Inamin ni LJ na iniyakan niya ang paghihiwalay nila ni Alfred. Pinilit nga raw nilang ayusin ang problema nila pero hanggang doon na lang daw talaga iyon. Mahirap man daw tanggapin pero yun ang nararapat na mangyari.

"May mga nagsabi kasi na hindi raw namin sinubukang ayusin. Nagkatampuhan lang hanggang sa pinabayaan na lang daw namin. That's not true naman. We tried our best pero siguro we weren't meant to be.

"Pero nakapag-usap na kami ni Alfred at may closure na ang lahat. Ayoko rin naman na may mga naiwan pang problema. Ayusin na habang puwede pa, ‘di ba?

"So the last time na nagkausap kami ni Alfred, nagkaroon na kami ng maayos na pag-uusap. I can say na we're friends now. Hindi na kami yung tipong mag-iiwasan kapag nagkakasalubong kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I heard nga na may nililigawan na siya. That's good kasi, at least, both of us ay maayos na. Wala nang bitterness or hatred. Naayos na lahat and mas maganda ang gano'n, ‘di ba?"

HOW ABOUT MIKE? May nagtanong kay LJ tungkol sa sinabi ng ex-boyfriend niyang si Mike Tan na hanggang ngayon ay ‘di pa sila nagiging magkabigan ni LJ pagkatapos ng kanilang relasyon. Ayon kay Mike ay si LJ daw ang panay ang iwas sa kanya tuwing nagkakasama sila sa isang show.

"Paano ko naman siya babatiin kung siya itong umiiwas at hindi ako?" diin ni LJ. "Tulad dati, magkakasalubong na kami sa may studio, bigla siyang yumuko at tumalikod. Tama ba ‘yon? Is that being a gentleman?

"Ang gusto ko lang naman from Mike ay yung huwag niya akong babaligtarin because hindi ako yung may problema. I am willing to be his friend pero mukhang siya ang ayaw. Hindi ko alam talaga kung ano ang problema niya with me.

"Pero since matagal na ‘yon, bahala na lang siya. Basta ako, okey ang buhay ko and sana maging masaya na rin sila for me."

Kasama si LJ sa bagong GMA primetime soap drama na Babangon Ako't Dudurugin Kita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN