No sex yet for Jiro Manio and 21-year-old girlfriend

"Para sa iba, wala silang nakikitang masama sa pre-marital sex. But, for me, hindi pa namin dapat paabutin sa ganoon." Jiro Manio says he respects his non-showbiz girlfriend, who is six years older than him.


Marami ang nagsasabing nasa awkward stage pa si Jiro Manio. At 15 (born May 9, 1992), alanganing bata, alanganing teenager daw ang dating nito. Pero, sa isa sa latest interviews ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jiro, tiniyak niyang he feels a little more like an adult.

"Ang feeling ko, kaya ko na rin yung mature roles, na hindi alangan sa age ko," sabi pa ni Jiro. "Natutuwa nga ako kasi lately, iba't ibang klaseng roles na ang naibibigay sa akin. Sa Tambolista, naiiba ako roon, kasi yung istorya, may violence na, at ipinakita pang nakapatay ako roon.

"Sa Ang Lihim ni Antonio, bestfriend ng isang young gay ang role ko, support naman, pero maganda ang dating.

"May mga ginagawa nga akong naiiba, like roles na nagre-require na magmura ako. Kung sa iba siguro yun, parang alangan sa kanila. Pero, ang sa akin, kung ano ang mas totoo na kakayanin ko, gagawin ko."

JIRO'S GIRL. Feeling naman ni Jiro, teenager na siya. Ini-enjoy niya ang stage na ito ng buhay niya.

"In fact, may karelasyon ako ngayon," nangingiting pagtatapat ng binatilyo.

"Non-showbiz girl. Huwag na lang nating banggitin ang pangalan. She's like 21 years old na, medyo mas mature kaysa akin, but that doesn't really matter.

"Na-meet ko siya noon, sa house ng isa kong friend. Actually, magwa-one year na kami halos," dugtong niya.

Nagtatrabaho sa isang call center sa Makati ang GF ni Jiro, Mahaba raw ang buhok nito, at ang nagustuhan nga ni Jiro rito ay yung pagiging more understanding sa kanya.

"Kasi, kahit sinasabi kong I feel more mature, lumalabas pa rin yung pagiging bata ko. Yung GF ko, naiintindihan niya yun.

"Ang feeling ko nga, naturuan niya ‘ko sa pagma-mature talaga. 'Pag may assignments ako sa school, tinuturuan niya ako.

"At saka ipinakilala ko na siyempre siya sa parents ko, and they like her. Walang problema roon. Madali kaming nagkakaintindihan, kasi, let's face it, mas patient siya dahil naiintindihan niyang mas bata ako sa kanya," pagtatapat pa ni Jiro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga nagtatanong tuloy kay Jiro kung may sexual experience na siya with his girlfriend.

Napapailing na namumula ang binatilyo sa mga ganoong pagtatanong sa kanya.

"Alam namin yung limitations. Basta, hindi kasi dapat na humantong sa ganoon.

"Pero, parang ganoon na rin nga yun, na may nababawas sa respeto mo roon sa GF mo kung ganoon agad yung ginagawa ninyo.

"Para sa iba, wala silang nakikitang masama sa pre-marital sex. But, for me, hindi pa namin dapat paabutin sa ganoon," nasabi ni Jiro.

Sa gay roles ay open naman si Jiro, gaya sa ginawa nga niya sa unang Manay Po, at ngayon ay may sequel na ito, ang Manay Po 2: Overload ng Regal Entertainment.

"Napanood ng GF ko yung unang Manay Po, kahit yung Ang Lihim ni Antonio, at nagustuhan niya. Malawak ang pag-iisip ng girlfriend ko tungkol sa trabaho ko.

"She also loves the movies. Gusto rin niya yung gay films, kaya alam kong maiintindihan niya yung mga pinaggagagawa ko sa mga pelikula ko," at natawa na lang si Jiro.

"IT'S FUN TO BE WITH GAYS!" Wala namang reservations sa mga bading si Jiro, basta alam niyang friendship lang dapat ang habol sa kanya.

"Kailangan lang na intindihin ko rin sila. Marami akong kaibigang gays. Sa volleyball team namin sa school, ang mga kasama ko, mga bading.

"Nakikipagbiruan ako sa kanila. Sometimes, I play as one of the gays. Wala lang. Alam naman nilang lalaki ako, at dahil doon, natutuwa sila sa akin.

"Hindi naman kailangang umabot sa point na nababastos ako, or what. Walang ganoon. It's fun to be with gays. Wala akong problema sa bagay na 'yan," tuluy-tuloy na nasabi ni Jiro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN