John Estrada proud of Brazilian girlfriend Priscilla Meirelles

"In and out kilala ko na si Priscilla. Sa in, yung kalooban niya, mabait talaga siya. Sa out, sexy at maganda siya," says John Estrada about current girlfriend Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles.


Proud si John Estrada sa kanyang kasintahan na si Priscilla Meirelles, ang Brazilian beauty na nanalong Ms. Earth noong 2004. Daig pa raw ni Priscilla ang ibang Pinay pagdating sa pagluluto at pag-uugali. Paborito ni John ang niluluto ni Priscilla na Fabada Asturiana, isang mala-menudong lutuin na galing pa sa Asturiana, may mixture ng beans, shoulder of pork, sausage, chorizo, saffon at seasoning. Brazilian nga lang ang version ni Priscilla at imbes na pork ay beef ang ihinahalo niya.

"Mahilig talaga sa karne ang mga Brazilian," umpisa ni John nang kapanayamin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa unveiling ng Belo's Skin Magazine na ang cover ay si Claudine Barretto.

Mag-iisang taon na sa buwan ng Mayo si John Estrada at ang kanyang Brazilian girlfriend na si Priscilla. May plano na ba sila kung paano nila ise-celebrate ang kanilang first anniversary?

"Wala pa. Siguro lulutuan ko siya ng karne. Pakakainin ko siya ng karne," salbaheng biro ni John.

But seriously, ano ba ang ireregalo ni John sa kanyang beauty queen girlfriend?

"Hindi ko alam. But she likes jewelry. Baka yun na lang. Pero hindi naman masyadong mahal."

Last Valentine's Day, binigyan ni John si Priscilla ng Macintosh na laptop computer. Oakley bag naman ang niregalo sa kanya ng dating Miss Earth.

"Sa Holy Week, pupunta kami ng Sepang, Malaysia. Kasama namin sina Richard [Gomez] at Lucy [Torres-Gomez]. Manonood kami ng F1 race."

Salbahe tuloy naming sinundan ng tanong kung sa Malaysia na kaya mabuo ang first baby nina John at Priscilla?

"Hindi," nakangiwing sagot ni John. Ani John, haangga't maaari raw ay ayaw muna niyang magkaroon agad sila ng anak ni Priscilla. Bukod sa hindi pa rin daw siya handang magpakasal uli. Bagama't ayon kay John, potential wife talaga si Priscilla.

"In and out kilala ko na si Priscilla. Sa in, yung kalooban niya, mabait talaga siya. Sa out, sexy at maganda siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-meet na ba ni Priscilla ang mga anak niya kay Janice de Belen?

"Oo, nagkita na sila. ‘Ate Prisicilla' ang tawag nila sa kanya. Kasi halos ka-edad lang niya ang mga anak ko. Pero gusto nila si Priscilla. Mahal nila kasi raw, walang ere."

Twenty-four lang daw si Priscilla at konti lang ang diperensya ng edad sa kanyang eldest na si Yna who is 16 years old. Ang pangalawa naman niyang anak na si Moira ay 14, sinundan ni Kyla na 11 at ang bunsong si Yuan na nine years old. Lahat daw ay boto kay Priscilla.

Nagkita na rin ba sina Janice at Priscilla?

"Siguro sa picture lang. Pero personally, hindi pa," sagot agad ni John.

Kelan naman niya planong pakasalan si Priscilla?

"Madali namang pasukan ang pag-aasawa. But we're better this way."

Hindi ba siya tinatanong ni Priscilla kung may balak at kelan siya pakakasalan ni John?

"Well, sinasabi niya na pag-isipan ko raw after four years, kasi gusto niya ‘pag 28 na siya magpapakasal. Tingnan natin. Matagal pa ang four years."

Sa tingin niya tatagal sila ng four years?

"Sana," maikling sagot lang ni John.

Plano raw ni Priscilla na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng nursing dito sa Pilipinas.

"Nakapag-three years na siya ng pre-med sa Brazil. So, itutuloy na lang siguro niya yung nursing dito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN