Willie Revillame denies romantic involvement with Cristine Reyes and co-ed

"Masarap din paminsan-minsan na bata ang kasama mo. E, ako 47 na. Kaya maganda rin minsan na may nakakasama kang bata. Nag-e-enjoy ka," shares Willie Revillame. However, he denies courting Cristine Reyes and having a young co-ed lover.


"Hindi ko nililigawan si Cristine [Reyes]," bungad sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ni Willie Revillame sa unveiling ng second volume ng Belo's Skin Magazine at formal opening ng Belo clinic sa TriNoma mall last Wednesday.

"Mahirap," sabi pa ni Willie. "Unang-una, may age gap agad. Ako, nag-e-enjoy kasama siya [Cristine]. Basta okey kami kapag magkasama. Masarap din paminsan-minsan na bata ang kasama mo. E, ako 47 na. Kaya maganda rin minsan na may nakakasama kang bata. Nag-e-enjoy ka."

Nagbigay rin ng pahayag si Willie tungkol sa mga larawan niyang nasa Internet na may kasama siyang kolehiyala.

"Okey lang ‘yun. Picture lang ‘yon. ‘Tsaka wala naman kaming ginagawang masama. ‘Yung nasa picture, laging nanonood sa Wowowee yun. Nag-aaral pa yun. Huwag na nating banggitin ang pangalan niya. Kawawa naman siya."

GOING BACK TO MOVIES. Sa unang pagkakataon ay kinuwento sa amin ni Willie na magbabalik-pelikula siya ngayong taon. Nagkaroon na sila ng series of meetings ng OctoArts owner na si Orly Ilacad sa pelikulang gagawin ni Willie.

Mr. Housewife ang title ng unang pelikulang gagawin ni Willie pagkatapos niyang bumalik sa telebisyon bilang host ng Wowowee. May mga ibang title na sina-suggest gaya ng Ama Ka ng Anak Mo. Pero mas gusto ni Willie ang original title ng script ni Mel del Rosario na Mr. Housewife.

Matatandaang nabalita noon na gagawin nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang Mr. Housewife. Pero hindi ito natuloy. Muling kinuha ni Mel ang kanyang script at ibinigay sa Viva Films para kay Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Ang proyektong ito sana ang iko-co-produce ng GMA-7 sa Viva Films. Sad to say, negative daw ang naging resulta ng possible Ogie-Regine movie sa ginawang survey ng Focus Media Group (FMG) ng GMA-7. Until finally, si Willie na ang gaganap bilang Mr. Housewife.

"Bale co-producer ako diyan. Si Tony Reyes ang magdidirek saka si Randy [Santiago]. Pinag-uusapan pa kung sino ang magiging leading lady ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi ang nali-link sa kanya na si Cristine ang kunin niyang leading lady?

"Hindi ko alam. Sila kasi ang nagdedesisyon diyan. Hindi ko pa nakikita yung buong script kaya hindi ko pa alam kung sino sa tingin ko ang pupuwede. Pero kung si Cristine, mukhang masyado pa siyang bata for the role."

Nakatakdang magsimula ng shooting si Willie at the end of March. Tinanong namin si Willie kung paano siya magsyu-shoot ng kanyang pelikula considering na araw-araw ang kanyang Wowowee.

"E, early morning naman ako nagigising araw-araw, mga 6 a.m. So, shooting muna ako ‘tapos tigil ng 11:30. Balik ako ng 3 p.m. after ng Wowowee. Sakripisyo talaga."

CHANGES IN WOWOWEE. Excited naman na ibinalita ni Willie ang malaking pagbabago na magaganap sa Wowowee simula sa March 31. Sinimulan na nga kahapon, Sabado, na baklasin ang dating stage ng Wowowee.

"Ibang-iba na. Bagung-bago lahat. Merong new games. Pero merong hindi na babaguhin ang title. Kaya lang hindi ko pa puwedeng i-discuss lahat ng magaganap na pagbabago. Abangan ninyo," pagmamalaki ni Willie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN