Viva Hot Babe Anna Scott shares memories of Scarlet Garcia

Viva Hot Babe Anna Scott (right) remembers her friend, the late Scarlet Garcia (left) who was also a member of the group."Maganda ang pagkakakilala ko sa kanya, at never na nagmaldita 'yan o nakita kong antipatika, kaya nga nalulungkot ako."


Siguradong may mga PEPsters na magtatanong, sino nga ba itong si Anna Scott? Si Anna ang latest addition sa napakalaking cast ng Joaquin Bordado, at ang role niya ay si Minerva, isang archeology professor na may super-powers din.

Pinatulan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pag-interview kay Anna dahil may link siya sa pinaslang na Viva Hot Babe na si Scarlet Garcia.

SHOCKED BY SCARLET'S MURDER. Ito yung pinag-uusapan ngayong murder case na nangyari sa isang subdivision sa Olongapo City. Pinatay ng mga hindi pa nakikilalang killers si Scarlet, kasama ang kanyang boyfriend at dalawa pang kasama. Tinangka rin nilang sunugin ang townhouse unit ni Scarlet para maitago ang krimen.

"Kasama ko si Scarlet sa sex video na Pinoy Kamasutra," paliwanag ni Anna. "Nakasama ko rin siya sa pictorial for an anniversary issue of FHM, mga two years ago.

"Na-shock ako nang malaman ko kung ano ang nangyari sa kanya. We were quite close. Textmates kami. Tinawagan ko agad si Jaycee Parker. Kasi, si Scarlet, pinsan 'yan ni Danilo Barrios, eh. Nagkarelasyon noon sina Jaycee at Danilo, 'di ba?

"'Pag nasa Manila si Scarlet noon, nagte-text na 'yan. Gusto raw niyang makipagkita sa akin. Labas daw kami, kasi, nalulungkot siya. Nami-miss din daw niya ako.

"As in na-shock talaga ako nang malaman ko ang nangyari sa kanya. Hindi ko talaga alam kung bakit nangyari sa kanya 'yan. Maganda ang pagkakakilala ko sa kanya, at never na nagmaldita 'yan o nakita kong antipatika, kaya nga nalulungkot ako," pagtatapat ni Anna.

Siya raw at si Sachi Sanders (isa pang alaga ng manager niyang si Emil Sandoval) ang medyo ka-close nga ng pinaslang na co-Viva Hot Babe nila. Ang isa pa ay si Sarah Lopez.

"Tahimik lang naman 'yan, maliban sa mga ka-close niya," pahayag ni Anna. "There was a time na nawala siya, kasi, nagpunta sa Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Narinig ko na lang na may nagbabanta raw kasi sa buhay niya. Hindi ko pa alam ang istorya dahil pupunta pa lang ako sa burol niya sa Olongapo.

"Sinasabi nga sa balita na 'yung boyfriend daw niya, may asawa pala. Hindi ko rin alam talaga, kaya nga kinokontak ko na yung mga kaibigan ko sa NBI [National Bureau of Investigation] para mapabilis yung kaso niya," sabi pa ni Anna.

May connect daw kasi siya sa isang nagngangalang Atty. Lito Maganio (Special Action Department Chief) at kilala raw niya si NBI Director Nestor M. Mantarin.

UNHAPPY EXPERIENCE. Sa career naman ni Anna, kasama siya dapat sa digital film na Ungol, subalit nahinto ang shooting ng proyekto. Nagkaroon siya ng partisipasyon sa Ysabella ng ABS-CBN.

"Pero, hindi ako naging happy," aniya.

"Alam kong baguhan lang ako at kahit siguro maiksi lang ang exposures ko roon, okey lang. Kaya lang, maaangas ang ibang involved sa production, lalo na nang mapasama ako sa Lastikman.

"Hindi maganda ang experience ko sa ABS-CBN. Hindi ako nag-e-expect ng special treatment. Sino ba naman kasi ako? Pero, yun lang, konting importansiya, na minsan, yung mga mahadera sa production, nagpaparinig pa ng, 'Sino ba 'yan? Hindi naman sikat 'yan?'

"Mga ganun ba. Rito sa GMA-7, hindi ako nakaranas ng ganyan. Mababait ang production staff dito, at kahit si Robin [Padilla] na mismong star dito, kinakausap ako. Panay nga ang sorry ko nang minsang ma-late ako, pero never siyang nagalit at ang sabi na lang, naiintindihan daw niya kapag mayroong mga ganyang lagare.

"Nag-pictorial pa kasi ako for FHM uli kaya na-late ako sa taping, pero talagang sabi ko sa manager kong si Emil, huwag na sanang maulit yun, dahil nahihiya ako sa mga naghihintay.

"Pero, hindi naging isyu yun, kasi nagpasabi naman talaga kami at nag-adjust sila. E, kung sa iba yun, wala silang pakialam dahil sabi nga nila, nameless naman ako. Pero, hindi sa GMA-7."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang unang usapan ay parang extra lang talaga si Anna, pero binigyan siya ng character sa Joaquin Bordado at lumaki ang exposure niya. Ito na nga siguro ang hinihintay na pagkakataon ng sexy actress para makilala pa nang husto ng publiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN