Boy Abunda calls for friendly competition after network war

"Okey lang ‘yan, pero alam dapat natin which lines not to cross. Ang sa akin lang, pakiusap: we can be friends and competitors at the same time, hindi tayo kinakailangang magbangayan para magpagalingan, magpahusayan," Boy Abunda appeals to ABS-CBN and GMA-7 about the network war.


Hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kuya Boy Abunda ng opinion niya tungkol sa tumitinding network war ng ABS-CBN 2 at GMA-7.

"Hindi naman matatapos ‘yan, but it can be good for the market," wika muna ni Kuya Boy.

"Okey lang ‘yan, pero alam dapat natin which lines not to cross. Ang sa akin lang, pakiusap: we can be friends and competitors at the same time, hindi tayo kinakailangang magbangayan para magpagalingan, magpahusayan.

"Let's do this for our market, for our audience. For me, competition is always good."

Kahit na umabot na nga sa korte ang lahat?

"Dadaan din ‘yan, pagkatapos niyan, saan pa pupunta ‘yan? We can always be friends again. Ako I'm such a positivist, gumigising ako sa umaga ng nakangiti. Totoo ‘yun!

"Pagkatapos ng away, I hope we can all be friends. Kasi yung mga conflicts, yung mga demandahan, can only make us more educated, stronger, and better. And where should we go after that? You know, we can all be friends.

"At sa industriyang ito, hindi ka dapat pikon. Have you ever seen me or heard me say, ‘Oy, bakit mo naman ako tinira?' because of an interview na para sa akin ay hindi maganda? Hindi, ‘di ba?"

Ito rin daw ang lagi niyang payo sa kanyang talents, ang maging pasensyoso at huwag magpaapekto sa mga puna o nasusulat sa kanila na hindi maganda.

"I always tell them that, ‘Huwag kayong pikon, ganyan tayo sa negosyo.' Ngayon, halimbawa ang isang pagpuna doesn't make sense, ‘wag mong pansinin, but if it makes sense, dibdibin mo at galingan mo.

"Maapektuhan ka in a right way."

Paano naman kung sobrang below the belt ang tira sa isang artista?

"That's entirely a different story, you can go to court, or you can go to the person. Just talk to the person."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN