Marvin Agustin says emotions rule in "Babangon Ako't Dudurugin Kita"

Marvin Agustin jokes about starring in a movie he will produce."Dapat. E, pera ko, e! Grabe, ako na ang nagbayad hindi pa ako ang gagawa? Ako ang magbabayad ‘tapos igagawa ko ng pelikula yung ibang artista? Ako lahat yung characters! Ha-ha-ha!"


Walang love life ngayon si Marvin Agustin, ayon na mismo sa actor nang makausap kamakailan ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Wala, nobody special right now," sabi ng isa sa mga bituin ng GMA-7 drama na Babangon Ako't Dudurugin Kita.

Bakit nga ba loveless siya ngayon? By choice ba o hindi lang siya masuwerte sa ligawan department ngayon?

"Hindi naman. Wala lang tayong nakikitang parang mga past relationships ko dati, alam mo 'yun, na puwede mong ibigay ang buong mundo? I've nobody special right now. Lumalabas ako with friends, gumigimik, ganyan, pero hindi masyadong madalas kasi hating-hati yung oras ko with work," paglilinaw ni Marvin.

EMOTION, NOT ACTION. Abala nga si Marvin sa tapings niya for his role as Alfred sa Babangon Ako't Dudurugin Kita. Kinumusta rin namin ang relasyon nila ng ina ng kanyang mga anak.

"Okey kami! That's one thing na talagang inaalagaan namin, for the children especially. Mahirap 'pag mag-away kami, ayaw namin 'yung ganun."

Since isa nang ganap na ama si Marvin, may tips ba siya sa kanyang co-star sa Babangon na si Patrick Garcia, ama ng dinadala ngayon ni Jennylyn Mercado?

"Ako naman magtuturo lang 'pag hiningan ako ng tulong," safe na sagot na lang ni Marvin.

Saan ba mas may pressure ngayon sa pagganap si Marvin, sa Babangon Ako't Dudurugin Kita, o sa Asian Treasures dati?

"Ah, dito sa Babangon," umpisa muna ni Marvin. "Yung Asian Treasures kasi ang hina-highlight dun yung action scenes, dito yung emotions na ibinibigay namin. Tatayo yung show na 'to dun sa bigat at dun sa execution o pagganap namin. Sa pagpapaniwala sa audience namin na kami 'yun [the characters], without the fight scenes.

"Dito emotions lang, galit, awa, iyak, tawa, yun lang ang kailangan naming galingan at maging believable."

On a different note, gustung-gusto ni Marvin na maging isang movie producer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, basta gusto ko yung material."

Siya din ang artista?

"Dapat. E, pera ko, e! Grabe, ako na ang nagbayad hindi pa ako ang gagawa? Ako ang magbabayad ‘tapos igagawa ko ng pelikula yung ibang artista? Ako lahat yung characters! Ha-ha-ha!" napatawa na lang pagkatapos si Marvin.

NOT STEALING DREAMS. Napag-usapan din namin ang tungkol sa lead role niya sana sa digital movie na Donsol. Tinanggihan niya kasi ang role niya rito. Nakaani ng mga magagandang reviews ang digital movie na ito at nagpanalo pa ng award sa bidang si Sid Lucero para sa role na sa kanya sana. Hindi niya ba pinanghihinayangan 'yon?

"Hindi, kasi pini-feel 'yan, eh! Hindi para sa akin, para sa ibang tao yung part na yun [the lead role], ayokong nakawin yung pangarap na yun para sa ibang tao.

"Line ni Heath Ledger 'yan nu'ng tinaggihan niya 'yung Spiderman. Siya dapat si Spiderman, eh, ‘tapos sabi niya, 'I was never a comic book fan, it would have been stealing someone else's dream.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN