KC Concepcion is busy taping her own TV show

A PEP source said the title of KC Concepcion's ABS-CBN show is titled I Am KC.


Nag-taping na noong Sabado, March 15, si KC Concepcion para sa bago niyang programa sa ABS-CBN. Ngayong Lunes, March 17, sa isang palengke sa Quezon City, ang ikalawang araw ng taping.

Mas pinili ni KC ang mag-comedy at light drama kaysa sa ibang projects na inilatag sa kanya ng iba't ibang business unit heads (BUH) ng Kapamilya network.

Iniintriga naman ang sobrang pagiging espesyal ni KC sa ABS-CBN. Tulad na lang ng pag-present daw muna sa kanya ng iba't ibang BUH na usually ay inilalatag muna sa top executives ng network bago sa artista. May umalma raw tuloy na ibang talents ng Dos nang mabalitaan nila na si KC mismo ang pumili ng proyektong gagawin niya, unlike them na kung ano lang ang ibigay dahil kapag tumanggi sila ay baka mawalan sila ng trabaho.

At sa dami ng nabalitang makakapareha ni KC, si Jake Cuenca ang masuwerteng nabigyan ng chance na maging kauna-unahang leading man niya. Walang eksena si Jake noong first day ng taping ni KC at nakatakda pa silang magkita sa taping ngayon.

Gaganap si Jake bilang artista at si Chokoleit ang kanyang road manager. Adopted daughter si KC ni Ai-Ai delas Alas at ninang naman niya si Rubi Rubi sa first episode na pinamagatang "Binibini."

Isang dalagang mahilig sumali sa mga beauty contest at pag-aartista ang role ni KC. Habang tutol naman ang kanyang ina-inahan na si Ai-Ai sa takot na makita siya ng kanyang tunay na mga magulang.

Magsisimula ang show ni KC sa March 29, kapalit ng dating timeslot ng Volta ni Ai-Ai na nagtapos last Saturday. Ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal), I Am KC ang title ng unang regular show ng anak ni Megastar Sharon Cuneta sa ABS-CBN.

Samantala, sa isang interbyu ay nadulas daw si KC sa pagsabing si John Lloyd Cruz ang magiging leading man niya sa kauna-unahan niyang pelikula sa Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN