Lovi Poe and Jolo Revilla reveal their mutual understanding

"Happy naman kami na ganito lang. Hindi kailangang magkaroon ng commitment para maging masaya kami," says Lovi Poe about her relationship with Jolo Revilla.


Mukha ngang wala nang makapipigil pa kina Jolo Revilla at Lovi Poe sa kanilang pag-iibigan. Sa ginanap na birthday party ni Jolo noong Biyernes ng gabi, March 14, sa kanilang tahanan sa Alabang, may mga nakapagmasid na parang si Lovi na nga raw ang birthday celebrant.

Naging abala rin si Lovi sa pakikiharap sa mga bisita ni Jolo at ginawa ring isyu ito, na kesyo feeling future First Lady na raw ni Jolo itong si Lovi.

"Sobra naman sila," depensa ni Jolo kay Lovi. "Nagkataon lang kasi na karamihan ng friends ko, kilala na ni Lovi kaya naging at home siya sa party, at marami siyang nakausap doon.

"Hindi niya kailangang mag-feeling First Lady roon," nangingiting banggit pa ni Jolo.

PLAYING MOMMY TO GAB. Parang wala ring pakialam si Lovi na rumampa, kasama ang anak ni Jolo kay Grace Adriano na si Gabriel, at parang ang impression na na-create ay isa na silang happy family.

"May mga photographer doon. Anak ko si Gab at alam naman ng mga tao yun. Naroroon si Lovi as one of my special guests, kaya natural lang na makukunan sila ng pictures together. I see nothing wrong with that," pahayag ni Jolo.

March 15 talaga ang birthday ni Jolo at ginanap ang party bilang pagsalubong sa nabanggit na araw. Sa mismong birthday ni Jolo ay nagtatrabaho sila at magkasama sila ni Lovi sa taping ng Kaputol ng Isang Awit, sa administration building ng LRT 2 Santolan Station, Marikina City.

Doon nga namin nakapanayam ang dalawa na very sweet sa isa't isa. Ang wish lang ni Jolo, "Sana, maayos na ang lahat. Itong mga grabeng intrigang dumarating, lalo na sa family namin, maayos na sana.

"At saka suportahan lalo ng fans ang love team namin ni Lovi. Ginagawa namin ang lahat para mapasaya namin ang aming fans," pakiusap ni Jolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aliw na aliw naman si Lovi kay Gabriel. Feeling ba ni Lovi ay siya ang mommy nito noong gabi ng birthday party ni Jolo?

"Hindi naman. Naku-cute-an lang ako sa bata. Kamukha siya ni Jolo!" bulalas ni Lovi.

"Masaya ako para kay Jolo. Pumunta ako sa party dahil special siya sa akin. He's a friend, huh! Ang sa akin lang, ang mahal ni Jolo, mahal ko rin. Pati 'yung friends niya at relatives, mababait silang lahat sa akin kaya comfortable ako sa party, at hindi ako na-out of place," sabi pa ng dalaga.

M.U. Kapwa inamin nina Jolo at Lovi sa amin na may "mutual understanding" na sila. Hindi pa raw masasabing sila na, pero nagkakaintindihan na sila.

"Happy naman kami na ganito lang. Hindi kailangang magkaroon ng commitment para maging masaya kami," sabi ni Lovi.

Sa issue ng PDA (public display of affection), sinabi ni Jolo na maingat sila sa ganito.

"Kasi, may mga isyu na nga," napapailing na sabi ni Jolo. "Hindi naman kami masyadong PDA. Masaya lang kami when we're together.

"Sweet-sweet-an lang kaming dalawa, pero ganoon lang. Sana, hindi nilalagyan ng malisya, at huwag kaming hinuhusgahan dahil lang sa ganoon," depensa ni Jolo.

LOVI AND MOM ARE OKAY. Samantala, ayaw na yatang magpaliwanag ni Lovi tungkol sa mga isyung kasama ang kanyang ina na si Rowena Moran. Diumano'y meron daw silang hindi pagkakaunawaan dahil kay Jolo.

"Wala akong dapat sabihin, 'cause my mom and I are okay," sabi pa ni Lovi. "By this time, naiintindihan naman niya yung situwasyon namin ni Jolo, and we don't want to betray our parents din naman, o ma-frustrate sila sa amin, kaya nga we're settling for mutual understanding na muna, and we just have to start from there."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN