Iza Calzado does not need gimmicks to be in the news

"Kahit nga wala kang ginagawa, kung minsan kung anu-ano pa ang lumalabas. Mas mabuti talaga yung nananahimik ka lang," says Iza Calzado.



Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Iza Calzado sa taping ng Joaquin Bordado sa isang malawak na warehouse at espasyo sa Industrial Street, Bagumbayan, Libis, Quezon City habang may ine-emote sa kanya si Robin Padilla.



Sabi ni Binoe kay Iza, "Minsan naman, lambingin mo ako kasi wala akong nakikitang masama sa ganoon dahil leading lady kita at magkapareha tayo rito."



Cute ang pagkakasabi ni Binoe kay Iza na ikinatawa namin. Hanggang ngayon kasi, parang bata pa rin si Iza at dahil may boyfriend na, napakaingat nito sa mga tsismis.



"Okay lang," sabi ni Iza sa PEP. "Masaya naman 'pag ganoon kami ni Robin. Naglalambing lang 'yon. Pero totoo rin na walang masama kung maging sweet ako sa kanya paminsan-minsan. Kaya lang, nag-aalangan ako at baka ma-misinterpret. Alam ng marami na may mga anak na siya at asawa. Ako naman, may boyfriend ako, di ba?"



NO GIMMICKS. Si Iza ang klase ng artistang ayaw gumimik para mapag-usapan. Katuwiran niya, hindi naman niya kailangang gawin 'yon.



"May mga nagsasabi sa akin na wala raw kabuhay-buhay kung walang intriga. Ang sa akin lang, nakakapagod na itong trabahong ito. Hindi sa nagrereklamo ako, pero kung ako pa ang gagawa ng gimmicks para mapag-usapan lang ako, hindi bale na. Kahit nga wala kang ginagawa, kung minsan kung anu-ano pa ang lumalabas. Mas mabuti talaga yung nananahimik ka lang," ayon kay Iza.



Ngayon lang kasi nagkakasama nang matagal sina Binoe at Iza. Gumawa sila ng digital film noon, ang Blackout. Walang nabuong romantic involvement sa kanila dahil limitado rin lang ang mga araw ng shooting nila roon.



"Dito kasi [sa Joaquin Bordado], we get to see each other more often," nangingiting sabi ng aktres. "Nakakapagod din talaga yung taping namin, kaya it's just proper na asikasuhin ko rin si Robin once in a while, lalo na kung magkasama kami sa set. Walang problema diyan. Kasi si Robin, maasikaso din. Sa totoo lang, pampered din ako sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pero lumalagay rin lang sa tama si Iza. Kahit hindi siya nagsasalita tungkol sa boyfriend niyang si Gerry Garcia na manager ng bandang The Speaks, pinoprotektahan din niya ang feelings nito.



"Naku, walang problema sa lovelife ko," ani Iza. "Naiintindihan niya yung situwasyon ko, yung trabaho. Huwag na lang natin siyang isama sa ganitong mga chika."



HOLY WEEK IN BATANES. This Holy Week, gusto ni Iza na bumalik sa Batanes para roon magbakasyon. Bago pa ito, sumaglit siya sa Davao para sa isang mall show roon.



"I really love Batanes!" bulalas ni Iza. "Ngayon ko lalong naa-appreciate yung lugar nang matapos na yung shooting namin doon ng Batanes [her movie with Ken Chu] at naipalabas na, gusto ko siyang balik-balikan.



"When you're there, you get to be close to nature. Lalo na ngayong Holy Week, I think that's the place to be. Kaya lang, sandaling-sandali lang kami doon, if ever. Kaya nagdadalawang-isip ako. Kakailanganin na agad kami by Black Saturday to resume taping ng Joaquin Bordado," sabi ni Iza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN