Jake Cuenca honored to be leading man of KC Concepcion in her first TV show

"Sa first episode niya, very honored ako na ako ang ka-partner niya. So, gagalingan ko talaga," says Jake Cuenca about being the leading man of KC Concepcion (inset) in her first regular show on ABS-CBN.



Masuwerte talaga ngayon ang young actor na si Jake Cuenca. Sa dinami-rami ng aktor na nasa pangangalaga ng ABS-CBN, siya ang napili ng management na maging leading man ni KC Concepcion sa first episode ng bagong show niya sa Kapamilya network, ang I Am KC. Ito ang papalit sa timeslot ng Volta ni Ai-Ai delas Alas na nag-last airing na noong Saturday, March 15.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jake kahapon, March 16, sa taping ng ASAP '08, sinabi niya na sobrang natutuwa siya na nakapareha si KC.

"Sa first episode niya, very honored ako na ako ang ka-partner niya. So, gagalingan ko talaga," sambit ni Jake.

Kung tutuusin, puwedeng sina John Lloyd o Piolo Pascual ang ipareha kay KC dahil mas sikat ang dalawa kay Jake. Kaya sabi tuloy ng iba, kinabog daw ni Jake sina Piolo at John Lloyd. Ano ang reaksiyon dito ni Jake?

"Ganun, ganun ba yon?" natatawang sabi ng young actor. "Ako naman, basta alam ng lahat na masayang-masaya ako sa trabaho ko. Masayang-masaya ako tuwing may dumarating na mga oportunidad na ipakita ko yung craft ko, yung passion ko sa pag-arte. Kaya ako, basta may bagong trabaho na pumapasok, masayang-masaya na ako doon. Lalo na honored ako na si KC pa ang kapareha ko."

Isang taping day lang daw si Jake sa first episode ng show ni KC na pinamagatang "Binibini."

"Bukas [March 17] ang taping ko, ‘tapos kinabukasan didiretso na ako ng taping ng Palos," saad ni Jake.

Si Wenn Deramas ang direktor ng "Binibini" at first time din ni Jake na makatrabaho siya.

"Gagalingan ko na lang para good impression ako kay Direk Wenn at kay KC. Sana mapadali ko ang trabaho namin bukas," asam niya.

Mula nang lumipat si Jake sa ABS-CBN ay lalong gumanda ang takbo ng kanyang career. Hindi siya nawawalan ng projects. Kaya naman gano'n na lang ang pasasalamat ng young actor sa ABSC-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunpaman, tumatanaw pa rin ng utang na loob si Jake sa GMA-7 dahil ito ang unang nagbigay ng break sa kanya sa showbiz.

"Ang laki din ng utang na loob ko sa GMA dahil malaki rin naman ang naitulong nila sa career ko," sabi ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN