Melissa Ricks denies Matt Evans is her boyfriend

"Paano kong magiging boyfriend si Matt, e, hindi namansiya nanligaw sa akin?" declares Melissa Ricks when asked if it's true that MattEvans is her boyfriend, as rumor has it.



May mga usap-usapan ngayong sina Melissa Ricks at ang ka-love team niyang siMatt Evans na, as in magkasintahan na sila. Nakipagkalas na raw si Matt kayOlyn Membian, na gaya ni Matt ay produkto rin ng Pinoy Big Brother TeenEdition. Ang chika pa, magkasama nga raw na nagbakasyon for three dayssa Hong Kong sina Melissa at Matt at silang dalawa lang daw.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal)kay Melissa kahapon, March 16, sa ASAP 08, kung saan ay regular mainstay siya, ay itinanggi niya na boyfriend niya na si Matt.

Sabi ni Melissa, "Paano kong magiging boyfriend si Matt, e, hindi namansiya nanligaw sa akin? At saka sila pa talaga ni Olyn, promise!"

Gayunpaman, aminado si Melissa na nagkasama nga sila ni Matt sa Hong Kong.

"Pero hindi lang naman kaming dalawa ang magkasama. Kasama namin sinaGerald [Anderson], Kim [Chiu], Aldred [Gatchalian], Aaron [Villaflor], yungmommy ko, tito at tita ko, at yung mga handlers namin."

Ipinaliwanag ni Melissa kung bakit hindi nakasama si Olyn sa trip nila sa HongKong.

"May school yata siya or something. Pero dapat kasama talaga siya roon sapinapa-book namin. Pero last minute, nag-back out siya," ani Melissa.

Hindi kaya ang tunay na dahilan ng hindi pagsama ni Olyn ay dahilpinagseselosan siya nito?

"Hindi, gusto naman talaga niyang sumama, nagkaroon lang talaga ngconflict sa schedule niya. "Magkaibigan kami ni Olyn at alam ko naman nahindi niya ako pinagseselosan."

Sabi ni Matt, kung wala lang daw si Olyn sa buhay niya ay posible siyang ma- inlove kay Melissa. Anong masasabi ni Melissa?

"E, meron, e," sabay tawa ni Melissa. Meron nga namang Olyn si Matt.

So binago na lang namin ang tanong sa kanya. Halimbawang walang Olyn nagirlfriend si Matt, mai-in love kaya siya rito?

"Hindi natin masasabi," matipid pero makahulugan niyang sagot.

NO SUITORS. Nakapagtatakang sa ganda ng dalagang 18 years old, wala pa rin itongihinaharap o ipinakikilang boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa, e. Wala pang dumarating, darating din yan."

Pero may mga nanliligaw na ba sa kanya o may mga "nagpaparamdam"?

"Meron naman," sagot ng dalaga.

Pinilit namin ang dalagang mag-reveal ng pangalan, pero wala kaming nakuha kungsino nga yung "nagpaparamdam" sa kanya.

CAREER AND LOVE LIFE. Sa ngayon kasi ay very visible ang dalaga as host and as part of a love team.Kung makikipagrelasyon ba si Melissa ngayon, kaya ba niyang pagsabayin angcareer at love life?

"Oo naman. Nasa tao rin yun, nasa artista rin yun. Ibig kong sabihin,hindi dapat maapektuhan yung trabaho mo. Professional ka dapat," sabi ni Melissa.



Dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang boyfriend, mukhang may mgahinahanap siyang qualities ng isang lalaki na hindi pa niya nakikita. Anu-anonga ba yun?

"Guwapo at saka dapat mabait," simpleng banggit ni Melissa.



Meron naman bang taga-showbiz na nakitaan na niya ng ganito?

"Secret," matipid na sagot young actress-TV host.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN