Robin Padilla hospitalized for injuries sustained in "Joaquin Bordado"

Action superstar Robin Padilla was rushed to the hospital last Saturday, March 15, when the production staff noticed that he was in pain while taping some scenes for Joaquin Bordado.



Sa St. Luke's Medical Center sa Quezon City na-confine overnight ang action superstar na si Robin Padilla noong Saturday, March 15, matapos mag-pack up ang taping nila ng Joaquin Bordado.

Nagpasya ang executive producer na si Joseph Buncalan at ang manager ni Robin na si Betchay Vidanes na ihinto ang taping dahil nakikita nilang in pain na si Robin. Hindi na nito matiis ang sakit ng right arm niya.

Nakaapekto sa action star ang pagkahulog niya sa motorcycle last March 7 sa taping ng Joaquin Bordado sa Subic Bay, kung saan nasadsad ang right arm niya at nasugatan ang palad niya.

Kuwento ni Betchay sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Napansin ko na ‘yon kay Robin, ilang araw na, na in pain na siya talaga. Pero sabi niya, ngayong Monday [March 17] na lang siya magpapa-checkup. Pero nang pumunta ako sa taping, nakita kong tinitiis na lang niya ang sakit na nararamdaman. Kaya kinausap ko na si Joseph na i-pack-up na niya ang taping.

"Si Otep [Joseph] pala, hinihintay lang kung ano ang sasabihin ni Robin dahil nakikita na rin niyang in pain ang kanyang artista. Mahirap nga lang daw pigilin si Robin kapag gusto nitong magtrabaho."

ROBIN'S DARING RISKS. Ayon naman kay Otep, "Actually, isa lang yung pagkasadsad ng motor niya sa mga aksidenteng nangyari kay Robin sa taping. Sabi ko nga kay Betchay, kapag pala artista mo si Robin, aatakihin ka sa puso. First time ko kasing nakatrabaho si Robin kaya natatakot ako kapag gumagawa na siya ng mga daring stunts.

"Yung sa motor, ni-rehearse nila ‘yon nina Direk Mac Alejandre at Argel Joseph. Kaya lang nang mag-take na, nahuli ‘yong pagbukas ng gate na papasukan niya kaya na-off balance si Robin at iniwasan din niyang tamaan yung camera at cameraman na malapit sa gate. Nang maitayo siya at magamot ‘yong palad niya, itinuloy pa rin niya ang taping. May naka-standby naman kami palagi na first-aid mobile. Kasama raw ‘yong nangyari sa kanya sa trabaho niya bilang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Muntik na rin siyang mahulog noon sa mataas na building nang nalagot ang harness na suot niya habang bumababa siya. Sa isang eksenang may pinasabog siyang kotse, muntik na siyang tamaan ng isang pinto ng pinasabog na kotse kung hindi siya nahila ng mga stuntmen."

Dagdag ni Otep, "Hindi rin niya inisip na puwede siyang tamaan ng light plane na hinabol niya sa eksena, samantalang napakalakas ng hangin noon sa Subic. Nagpalingkis siya sa sawa, pero nagpabantay siya sa mga stuntmen just in case na malingkis siya dahil ang laki-laki ng sawa na apat na tao ang bumuhat. Nakipaglaban din siya sa tigre na kahit nakatali at hawak ng trainor nito, nakagat at nakalmot din si Robin. Ginagawa raw niya ‘yon para mabigyan niya ng magandang palabas ang mga sumusubaybay sa Joaquin Bordado."

Ibinalita ni Betchay na nakalabas na ng St. Lukes's si Robin kahapon, March 16.

"Nagpa-check-up na rin kasi siya at dumaan sa mga tests, lalo na ‘yong likod at braso niya. Tomorrow pa niya makukuha ang mga results, pero sinabihan na siya ng doctor niya na maghinay-hinay muna siya sa mga stunts niya, lalo na ‘yong mga delikadong stunts.

"Hindi pa rin siya nagpahinga pagkalabas sa hospital. Nakipag-meeting siya at nanood ng editing ng Joaquin Bordado at one a.m. Kaninang umaga ang call-time na niya sa taping. Hindi raw siya puwedeng huminto dahil wala silang ii-air mamayang gabi," lahad ni Betchay.

HOLY WEEK REST. Tinanong namin si Betchay kung magbabakasyon si Robin ngayong Holy Week dahil wala naman silang schedule ng taping ng Joaquin Bordado.

"Sa bahay lang siya magpapahinga," sagot ng manager ni Robin.

Ngayon lang daw kasi makakasama ni Robin nang matagal-tagal ang mga anak niyang sina Queenie at Kylie dahil walang trabaho. Ang asawa naman niyang si Liezl at ang bunso nilang si Ali ay nasa Australia ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin sila puwedeng umuwi sa Australia dahil may taping na agad sina Robin at Kylie after Holy Week. Kailangan nilang mag-advance ng episodes dahil paalis si Mark Herras para mag-shooting ng pelikulang ITALY sa Europe sa first week of April.

Tinatapos din ni Robin ang shooting ng movie nila ni Ai-Ai delas Alas, ang Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy! under Viva Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN