Director Wenn Deramas is personal choice of KC Concepcion for her TV show

Director Wenn Deramas is impressed at the professionalism ofKC Concepcion.


Kausap namin mismo ang box-office director na si WennDeramas habang naghihintay sa pagsisimula ng taping niya sa set ng unang light drama-comedy series ni KC Concepcion sa ABS-CBN na pinamagatang I Am KC.Si Direk Wenn ang naatasan na unang mamahala ng first part ng apat na episodesng programa ni KC na may titulong "Binibini."

Kwento ni Direk Wenn, nauna pa raw dumating sa kanya sa setsi KC. Maaga na nga raw siya sa call time nila na 9 a.m. pero mas nauna pa sakanyang dumating si KC.

Excited si Direk Wenn na makatrabaho si KC. Natuwa rin si Direk Wenn napersonal choice siya ng anak ni Megastar Sharon Cuneta para magdirek sa unangepisode ng I Am KC.

Ang dalawa pang direktor na nabalitaan namin na susunod na magha-handle ngsucceeding episodes ng I Am KC ay sina Jerry Sineneng at Johnny Manahan. Kinukumpirma pa ng aming source ang ikaapat na direktor ni KC sa kanyangprograma.

Si Jake Cuenca ang unang leading man ni KC sa bago niyang programa pero naka-line-updin ang mga bigating leading man ng ABS-CBN na sina Vhong Navarro, MakisigMorales, at Luis Manzano.

MR. HOUSEWIFE. Samantala, nakarating na rin kay Direk Wenn ang balita na magsisimula na angshooting ng Mr. Housewife at pagbibidahan ni Willie Revillame. Kay DirekWenn una naming narinig ang proyektong pagtatambalan sana ngmagkasintahang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa OctoArts Films. Pero hindinatuloy for some reasons.

"Okey lang [kung iba ang gumawa]," walang panghihinayang na sabi ni Direk Wenn."Kaya ko lang naman gustong gawin yun dahil kina Juday at Ryan. ‘Tsaka kasinagkabati na kami ni Tito Alfie [Lorenzo, Judy Ann's manager] kaya gusto koyung gawin."

Sinikap naming ipa-elaborate kay Direk Wenn kung ano ang naging dahilan ngtampuhan nila ng manager ni Juday pero tumanggi na siyang magsalita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN