Actress-model January "Lumen" Isaac alarmingly thin at only 95 pounds

"I must say na parang underweight ako, pero hindi naman akomalnourished... I like togain a few pounds para naman hindi natatakot ang mga tao kapag nakikitaako. I admit na sobrang payat ko talaga ngayon kaya may mga hindinakakakilala sa akin," says January Isaac about her weight.


Nakakaalarma ang kapayatan ngayon ni January Isaac, na mas kilala bilang si Lumen sa commercial ng Surf. Obserba ng marami ay may eating disorder ang actress-commercial model.



Hindi nga nakilala ng maraming entertainment press si January na dumalo sa press launch ng Season 18 ng Daisy Siete na pinamagatang "Prince Charming and The Seven Maids," kung saan gumaganap siya bilang ina ni Sunshine Garcia ng SexBomb Girls. Humpak na humpak ang mga pisngi nito at halos magkasing-payat ang mga braso at mga legs niya.



Nang makausap namin si January ay nalaman namin na 95 pounds lang ang timbang niya. Itinanggi niya na may eating disorder siya. Kasalukuyan daw kasing nagte-training siya ng martial arts kaya raw mabilis ang pagpayat niya.



"Yun ang akala ng marami na may eating disorder ako. Akala nila na I'm anorexic or bulimic. Hindi naman because I'm still into sports and I won't do anything para saktan ang sarili ko.



"Sa TV naman kasi, we gain like 10 to 15 pounds. Iba talaga kapag in person. Sa TV, okay naman akong tingnan," sabi ni January.



Nabanggit din ni January na nasa pamilya raw nila ang pagiging payat talaga. Mabilis daw ang metabolism nila at dahil sa hindi katangkaran nilang height, hindi raw dapat sila mag-overweight.



"You should see my mom. Mas payat siya kesa sa akin. She's a lot smaller at mas slim siya sa akin. Hindi naman kami naaalarma because it runs in the family. I'm having my regular checkup with our doctor at okay naman lahat ng mga test ko. Mabilis lang talaga ako maka-burn ng calories sa katawan," paliwanag niya.



Pero aminado si January na masyado raw mababa ang timbang niya at 95 pounds. Sa edad nga raw niya na 32 years old, dapat at least ay nasa 110 or 112 pounds siya.



"I must say na parang underweight ako, pero hindi naman ako malnourished," sabi niya. "Hindi lang ako palakain lately because I've been training and now I'm taping for Daisy Siete. I like to gain a few pounds para naman hindi natatakot ang mga tao kapag nakikita ako. I admit na sobrang payat ko talaga ngayon kaya may mga hindi nakakakilala sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Inamin din ni January na na-depress siya sa kanyang huling relasyon kaya naging dahilan din daw ‘yon ng hindi niya pagkain ng tama.



"I used to weigh 115 pounds noong may karelasyon pa ako. But after we broke up, medyo na-depress ako kaya I ate less and less. Kaya siguro umabot ako sa 95 pounds lang. But it took me naman a year to lose 15 pounds. Hindi naman dangerous ‘yon, pero I'm considering na mag-gain ng konting weight. Siguro mga five pounds lang para umabot sa 100," lahad ni January.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN