Pia Guanio to interview Dina Bonnevie for the first time on "Showbiz Central"

"Everyone knows na Dina and I have one thing in common. Pareho kamingnaugnay kay Vic. But that did not stop us from having a good andhealthy relationship as friends," says Pia Guanio (left) about her boyfriend's ex-wife, Dina Bonnevie (right).



For the first time ay makaka-one-on-one interview sa Showbiz Central ni Pia Guanio si Dina Bonnevie, ang ex-wife ng boyfriend ni Pia na si Vic Sotto, sa March 23. Kaugnay ito ng malaking launch ng bagong GMA-7 primetime drama series na Babangon Ako't Dudurugin Kita na pinagbibidahan din nina Yasmien Kurdi, JC de Vera, Angelika dela Cruz, at Marvin Agustin.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Pia, excited daw siyang gawin ang one-on-one interview with Dina dahil ngayon pa lang daw ito mangyayari sa kanilang dalawa.



"Siguro we can label it as a heart-to-heart talk," ngiti ni Pia. "I am looking forward for this day to come talaga. Matagal na kaming nagkakilala ni Dina and masasabi ko na naging kaibigan ko rin siya.

"Everyone knows na Dina and I have one thing in common. Pareho kaming naugnay kay Vic. But that did not stop us from having a good and healthy relationship as friends. Yung mangyayari sa interview ko with her, parang girl talk lang. Kumustahin ko ang buhay niya at ang pagbabalik niya sa paggawa ng soap drama with GMA-7."



Magkakaroon kaya ng chance na mapag-usapan nila ni Dina si Vic?



"Hindi naman siguro mawawala ‘yon," sagot ni Pia. "But we will talk about Vic in a positive way. Yung tipong matutuwa si Vic kung sakaling mapanood niya kami.



"It all depends sa takbo ng conversation ko with Dina. I really admire her being a good actress and an intelligent one at that. Alam ko rin how witty she is and how funny she could be in real life. Lahat naman ‘yan malalaman nila sa interview ko with her on Easter Sunday sa Showbiz Central."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN