Rufa Mae Quinto fuming mad at Jessa Zaragoza

Rufa Mae Quinto is having extreme emotions now. While she is head over heels with her current love, Mexican-American Bobby Lopez (inset, top), the sexy comedienne is also fuming mad at singer-actress Jessa Zaragoza (inset, bottom).



Abot-langit na naman ang galit na nararamdaman ni Rufa Mae Quinto kay Jessa Zaragoza kaugnay pa rin ng mahabang interview ni Rufa Mae sa February 2008 issue ng YES! magazine. Ipinakita ni Rufa Mae ang kanyang pagkainis kay Jessa sa Showbiz Central noong Linggo, March 16.



Sa VTR interview ni Jessa sa Showbiz Central na kinunan pa sa U.S. nang mag-perform siya sa Filipino-AmericanVisionary Awards sa Kodak Theater, muli na naman nitong binuhay ang issue sa pagitan nila ni Rufa Mae. Hindi na raw sana papatulan ni Rufa Mae ang mga pasaring na ito ni Jessa, pero hindi raw siya papayag na pagsalitaan siya ng gano'n ni Jessa.



"Akala ko ba gusto na nila manahimik? Bakit may ganyan pa? Noong una phone-patch interview lang, ngayon may video pa? Lume-level siya, huh!" naiinis na natatawa si Rufa Mae habang kausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago siya sumalang sa Showbiz Central.



Ang gusto raw ni Jessa ay magbigay ng public apology si Rufa Mae sa kanya at sa asawa nitong si Dingdong Avanzado, na ex-boyfriend naman ni Rufa Mae. Ayon kay Rufa Mae, nag-sorry na siya may ilang linggo na ang nakaraan dahil sa issue na ‘yon.



"Ano ba siya? Hindi pa siya nanonood?" tawa niya ulit. "Manood kasi siya ng Showbiz Central at hindi kung anu-ano ang pinapanood niya, ‘no! Alam ng marami na nag-sorry na ako sa kanila [ni Dingdong] noong sinimulan niya ang issue, di ba?

"Sabi nga niya, tahimik na raw sila ni Dingdong ‘tapos maglalabas ako ng issue. E, hindi naman issue ‘yon, e. Buhay ko ‘yon na gustong malaman ng marami. Bakit ko itatago ang part na ‘yon ng buhay ko? Yun ang totoo, e.



"So para hindi na tumagal dahil nag-abala pa siyang magpa-phone patch noon, nag-sorry na ako. Kung may na-offend man ako sa kanila o sa ibang tao sa interview ko na ‘yon, sorry talaga. Akala ko tapos na ‘yon, e, heto na naman siya, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Para sa akin, parang kabastusan na itong ginagawa niya. Ako na ngayon na ang nananahimik, siya naman ngayon ang tumatalak diyan at talagang lume-level siya dahil may video na ngayon, di ba?"



Ang ipinagtataka lang ni Rufa Mae ay kung bakit ang ibang nabanggit na names niya sa kanyang YES! interview ay hindi man lang nag-react.



"Sa dami-rami ng mga nabanggit kong names, bakit sila lang ang nag-react?" nagtatakang sabi ni Rufa Mae. "E, yung ibang lalake roon, mga guwapo talaga, di ba? ‘Tapos react sila nang react diyan. Nakakaloka sila!"

BOBBY, BOBBY, BOBBY. Dinadaan na lang ni Rufa Mae ang lahat sa tawa dahil ayaw niyang masira ang kanyang magandang mood. In love kasi ngayon ang sexy comedienne sa isang 33-year-old Mexican-American na executive ng Mattel, Inc. na based sa Hong Kong. Ang name ng bagong inspirasyon ni Rufa Mae ay Robert "Bobby" Lopez.



"Bigla na lang siyang dumating sa buhay ko," sabay ngiti niya. "Ako naman, lahat naman ng mga inakala kong love life ay sineseryoso ko. Ang malungkot lang, nawawala rin sila.



"Nahihiya nga kasi noong maglabasan ang mga pictures niya sa Internet at sa mga diyaryo, parang hindi dapat kasi private na tao ito. Kaso, sa kadaldalan ko rin kaya ‘ayun, wala na akong magawa.



"Pero mabait naman siya at alam niyang celebrity ako na puwedeng matsismis ang private life. Ngayon kasi, papunta pa lang kami doon sa magkaroon ng relationship. We're getting there na, 'di ba? Sana nga maging maganda ang ending nito.



"Ako kasi, nilagay ko na sa isip ko na hindi ko na mahahanap ang lalake na tama for me. Na wala talaga akong matatawag na love life. Malungkot, pero ‘yon ang katotohanan minsan. Kaya noong dumating si Bobby, parang nabuhayan ako. May pag-asa pa pala. Makulay ulit ang buhay ko!" halakhak ni Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Tama lang daw ang pagdating ni Bobby sa buhay ni Rufa Mae dahil sobra raw ang pagod niya ngayon sa trabaho. Bukod sa mga regular shows niyang Showbiz Central, SOP, at Bubble Gang, katatapos lang niya ng pelikulang Manay Po 2: Overload sa ilalim ng Regal Entertainment.



Sisimulan na rin niyang i-shoot for GMA Films ang pelikulang ITALY (I Trust And Love You) na kukunan sa Europe. Gaganap siya rito bilang isang lounge singer sa isang luxury cruise liner. Kasama rin niya rito sina Jolina Magdangal, Mark Herras, Rhian Ramos, Eugene Domingo, at Dennis Trillo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN