The Studs give tips on body fitness in new workout video

GMA-7's hunk group The Studs give workout and diet tips in a workout video in VCD format titled Body Buddies: The Body Circuit Workout. From left: Felix Roco, JC Cuadrado, Coco Martin, Mike Tan, Edgar Allan Guzman, and Dion Ignacio.


Out na in VCD format ang workout video ng The Studs—composed of Mike Tan, Dion Ignacio, Coco Martin, Edgar Allan Guzman, Felix Roco, at JC Cuadrado—na Body Buddies: The Body Circuit Workout.

Ni-launch ito last Saturday (March 19) sa Gusteau Restaurant and Comedy Venue sa Madison Square Building, Libis, Quezon City. Kasama nila sa workout video produced by Videoflick Productions sina Sheena Halili at Kris Bernal.



At dahil summer na nga, ang aim ng video ay para maging fit and trim ang body-conscious males and females. Hindi isang rigorous workout ang handog ng video kundi isang workout na kayang gawin every day, lalo na ng celebrities na parating pagod sa tapings at shootings. Kumbaga, safe ang workout na ito as developed by group exercise trainer na si Paolo Sason ng Gold's Gym.

Para maging effective ang paggamit ng workout video, may health tips ang mga miyembro ng The Studs, na kanilang sinusunod kaya maganda ang mga pangangatawan nila.

Coco Martin: "I eat mostly fish and vegetables. And I try to catch long hours of sleep. Sa trabaho kasi natin, parang luxury na ang matulog nang mahaba. Pero kung may chance na makapagpahinga nang husto, do it."

Dion Ignacio: "I work out three times a week. Hindi ako pumapalya kahit na may times na sobrang puyat ako. Part din ng disiplina ko sa katawan ay ang pagkakaroon ng diet plan. Hindi lahat ng masasarap na pagkain ay sinusubukan ko."

Edgar Allan Guzman: "After a tiring workout, masarap ang magpa-body massage. Nakaka-ease ng tension. Aside from using gym equipments to exercise, I play basketball. It helps me to always be in shape."

Felix Roco: "Tabain ako kaya I have a strict diet na sinusunod. I also work out two to three times a week. Kailangan pagpawisan ako parati at ma-maintain ang abs ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JC Cuadrado: "Determination is my best secret. In everything I do, kailangan may determination to succeed. Aside from circuit training, I also do martial arts. It really puts me in shape."

Mike Tan: "I eat oatmeal for breakfast. Healthy siya at nakakabawas ng kolesterol sa katawan. Hindi ako masyado sa red meat. Three to four times a week, I work out para mas effective ang training."

Katatapos lang ng mall tour ng The Studs last March 15 (SM Pampanga) and March 16 (Ever Gotesco Grand Central) para sa promotion ng workout video nila. On March 29 ay sa Ever Gotesco Commonwealth naman ang punta nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN