Iwa Moto dating young businessman exclusively

"He's really nice, matalino...he's a businessman. He's already twenty-eight, ten years ang gap namin," says Iwa Moto about Mickey Ablan, whom she is dating nowadays.



Two weeks na palang ka-MU (mutual understanding) ng young actress na si Iwa Moto ang young businessman na si Michael Ablan, whom Iwa fondly calls Mickey. This is the same guy na nagsangkot kay Iwa sa intriga with Viva Hot Babe member Sachie Sanders, na ex-boyfriend ni Mickey.

"He's really nice, matalino...he's a businessman. He's already twenty-eight, ten years ang gap namin," paglalarawan ni Iwa sa kanyang bagong apple of the eye.

Ayon sa StarStruck 3 First Princess, hindi raw problema ang sampung taong agwat ng kanilang mga edad.

"...Edad lang yun, e. Age doesn't really matter, di ba?" saad ni Iwa sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang business ni Mickey?

"Yung family nila, parang nag-invest sila kasama yung tita niya, pinsan niya... Nag-invest sila ng school sa Baguio, ‘tapos may restaurant sila sa Baguio, yung Balconaje. ‘Tapos sa Tagaytay, may restaurant din sila, yung Carlo's Pizza," lahad ng young actress.

Paano sila nagkakilala?

Kuwento ni Iwa, "Kasi ganito... Yung friend ko, sister niya. Last year pa kami magkaibigan ng sister niya, si Nicole. Ngayon, buntis na yung kapatid niya at lahat, ‘tsaka pa lang kami naging close ni Mickey."

Bakit ngayon lang siya niligawan ni Mickey gayong matagal na pala silang magkakilala?

"Kasi may girlfriend siya," sagot ni Iwa. "'Tsaka ako, may boyfriend ako nung time na ‘yon. Parang we're happy going out lang. Alam mo yung tropa lang, steady na tropa? ‘Tapos kaibigan ko yung kapatid niya.

"Nung pareho kaming single, wala pa ring chance. Wala lang, tropa lang kami. Hindi naman kami masyadong close, e. Ang ka-close ko nga is his sister," paliwanag niya.

Kailan siya niligawan na ni Mickey?

"Mga last week of January, mga first week of February, ganun," sagot ng young actress. "Wala lang. Nung isang beses...nasaan ba kami nun? Kasama din namin yung kapatid niya nun, e. Tumambay ako sa bahay nila kasi nga buntis na yung kaibigan ko, e, ninang ako nun. Maya-maya, ayun, nagkuwentuhan na kami hanggang nagte-textan na kami. Hanggang, ayun, lumalabas na kami," kuwento ni Iwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang sinagot niya si Mickey pagkatapos lang ng two weeks?

"Parang hindi pa nga kami, e. Hindi pa kami parang official," aniya.

Sinabihan na ba siya ni Mickey ng "I love you"?

"Yung sweet-sweetan lang, kilig-kiligan lang," sagot niya. "Hindi... Kasi, eto ha, kami ni Marky [Cielo], nag-a-‘I love you, Marky!' ‘I love you din, Aileen [Iwa's real name]' kami. Ganun kami, si Chuck [Allie], ‘I love you, best friend!' Ganun."

Pero with Mickey around, ayaw na raw tumanggap ni Iwa ng ibang suitors.

"Alam mo yung... Kasi ako, once na meron akong nagugustuhang lalake, I'm not really yung kind of girl na may natitipuhan na ako. Sa tingin ko, okay naman siya.

"Magpi-flirt pa ko with other guys? Hindi ako ganun. ‘Pag sinabi kong parang nagugustuhan ko siya kahit na I'm still getting to know him, ayokong mag-entertain ng kahit sino pa," saad niya.

Pero aminado si Iwa na gusto niyang maging karelasyon nang seryosohan si Mickey.

"Sana, kung magpapakatino ba naman siya, bakit hindi?" pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN