Jericho Rosales not leaving Genesis for Star Magic

"I'll stay with Genesis because I'm very contented and happy with them.My working relationship with them is very fair, spiritual, andbusinesslike but with personal touch," declares Jericho Rosales.



Sa pag-aalsa balutan ni Jericho Rosales sa bakuran ng Star Magic upang lumipat sa Genesis, marami ang nanghinayang na imbes na umalagwa ang career ay tila nanamlay ang career ng young actor.



Ngayong visible na uli si Jericho sa mga shows ng ABS-CBN, 'tulad ng ASAP ‘08 at iba pang TV guestings, marami ang nagtatanong kung balik-ABS-CBN na ba ang young actor at iiwanan na nito ang Genesis.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jericho, binigyang linaw niya ang nasabing balita.



"No, that's not true," tanggi niya. "I'll stay with Genesis because I'm very contented and happy with them. My working relationship with them is very fair, spiritual, and businesslike but with personal touch."

Bagama't nasa Genesis pa rin siya, karamihan ng mga proyekto ni Jericho ay nasa ABS-CBN.



"I'm a semi-regular of ASAP and I'll be doing another soap with them. I'm leaving for Malaysia because Malaysia-Philippines yung magiging ruta nung istorya," saad ng young actor.

DEFENDING GENESIS & ANGELI. Ipinagtanggol ni Jericho ang Genesis sa obserbasyon ng iba na mula raw nang lumipat siya rito ay lalong nanamlay at walang kinapuntahan ang kanyang career.



"Okay naman ang career ko," sabi ni Jericho. "Ito ang expected na takbo ng career ko because gusto ko talagang mag-start and mag-focus talaga on singing. Alam ko na hindi magiging ganun kadali yung music career ko. But I want to take it seriously, I wanna be a respected musician, a singer, and an actor as well.

"Alam ko naman na hindi basta-basta ‘yon. Hindi puwede yung pupunta ako sa TV, magge-guest na ganun-ganun lang. I know it really means sacrifice on my part, sacrifice on shows, on my career on TV... But now I can say I'm doing well."

Ipinagtanggol din ni Jericho ang sinasabing attitude problem at kakaibang personality ni Angeli Pangilinan-Valenciano, na siyang tumatayong head ng Genesis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"She's a misunderstood person," sabi ni Jericho. "Before I met her, nung di ko pa siya kilala, she sends me mga prayers. So kahit papaano, medyo nakilala ko na siya.

"When I met her, we spent three hours, six hours...sitting, eating, talking sa kung anuman ang nararamdaman ko, what my ideas are. She throws me her ideas, she guides me.

"She's very professional and people misunderstand that. She takes care of her talents very much. Gusto niyang napoprotektahan ang mga artista niya at ‘yon ang hindi maintindihan ng iba."

VERBAL AGREEMENT. When it comes to contracts, inamin ni Jericho na verbal agreement at wala pa palang pirmahan ng kontrata na nangyayari sa pagitan niya at ng Genesis.



"Wala akong contract sa kanila, verbal lang. They love me, they respect me, and I love and respect them too. Ibang klase ang relationship ko sa kanila, so hindi na namin napapansin na wala akong kontrata sa kanila. But we're gonna do that someday," lahad ni Jericho.

MISSING STAR MAGIC. Mahigit isang dekada ng career ni Jericho ay inilagi niya sa Talent Center, na ngayon ay Star Magic ng ABS-CBN. Inamin niya na nami-miss din niya ang mga dating kasama sa Star Magic sa kabila ng mga kamaliang nagawa niya sa kanyang career.



"I wish part din ako ng mga production numbers ng Star Magic," sambit niya. "I love Star Magic, I really love going up there, going to Mr. M [Johnny Manahan] sa booth, saying 'hi', 'hello', saying 'hi' to everyone. But may mga bagay na hindi na natin maibabalik.

"But on the professional standpoint, I think naman, saan ko man gustong pumunta, Genesis is there to guide me. I'm not saying that Genesis is better than Star in some aspects. I don't compare. But in my music career, sinalo nila ako. Now I'm good, hindi na ako rebelde."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN