Heart Evangelista is positive Jericho Rosales and her dad will get along

"‘Di ako mabibigo ni Echo dahil mabuti siyang tao. Kaya alamkong magugustuhan siya," Heart Evangelista confidently says about boyfriendJericho Rosales whom his dad has not yet formally met.



Nang lumabas ang balita na balik-ABS-CBN management na rawsi Jericho Rosales at iiwanan na nito ang bakuranng Genesis (group ni Ms. Angeli Pangilinan-Valenciano na nagma-manage sakanya), inisip agad ng iba na tiyak na kasama ng actor ang girlfriend na si Heart Evangelista sa pagbalik sa dating mother studio.

Nung makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Heart nung Linggo saset ng ASAP 08, sinabi nitong sa Genesis pa rin sila nagpapa-manage niJericho at walang katotohanan ang kumakalat na balitang umalis na sila rito.However, kinumpirma naman ni Heart na wala silang pinipirmahan pang kontrata saGenesis.

"Jericho and I are stayingwith Genesis. It's not really about the contract, we work with them ‘cozwe're very happy with them. Wala kaming balak na umalis sa kanila. We're inGenesis because of our relationship with them, because of their loyalty andcommitment."

Marami ang nagsasabi na naging stagnant daw kasi ang takbo ng career nina Heartat Jericho mula nang hawakan sila ngGenesis. Dinepensahan naman agad ni Heart ang akala na ito ng nakakarami.

"Well, I don't believe in that. I think dumating lang sapoint na marami kaming pinagdadaanan sa showbiz na nagkasabay-sabay. Nowwe're much better, regular na uli ako sa ASAP, may soap na akongsisimulan in ABS. Maybe in three weeks time, magte-taping na ako. It's still confidential but I'm with really goodstars. Kumbaga kailangan lang talaga ng time."

ECHO AND DAD. Open book ang matagal ding samaan ng loob na namagitan sa kanila ng kanyangpamilya partikular na ang kanyang butihing ama na si Mr. Reynaldo Ongpauco nanauwi rin naman sa pag-aayos.

"Okey kami. Kasama ko lang sila a few nights ago, ‘taposaalis kami ng mommy ko. Magbabakasyon kami kasi buntis ang sister ko sa States,so pupunta ako run in three weeks time. Then, pagbalik ko magte-taping naako."

Sa kabila ng pagkakabati nila ng kanyang ama ay hindi pa rin pala personal nanami-meet ng kanyang daddy ang boyfriend na si Jericho. Positibosi Heart na magugustuhan naman nito ang boyfriend na si Jericholalo't ang ikinaaayaw lang naman nito sa actor ay ang pagiging artista nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa sila nagmi-meet, pero may feeling naman ako namalapit na yun coz hindi na galit ang daddy ko. Tanggap na niya na mayboyfriend na ako, they are not yet formally introduced to each other, perodarating din tayo riyan.

"Mabait si Echo, kailangan lang na mabigyan siya ng chance.‘Di ako mabibigo ni Echo dahil mabuti siyang tao. Kaya alam kong magugustuhansiya. Masaya kami sa isa't isa kaya I'm sure it will end well. Maaayos yung mganangyaring gulo sa pamilya ko.

"Wala naman siyang particular na inayawan kay Jericho, ayaw lang talaga ng daddy ko ng artista eversince, even nung kami pa ni John [Prats]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN