Yeng Constantino no longer superstitious about Good Friday

Grand Star Dreamer Yeng Constantino says she only sings in their church where she is a worship leader.


Kagagaling lang ni Yeng Constantino sa kanyang mall tour na may kinalaman sa kanyang ikalawang album na Journey. Ibinalita niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na matagumpay naman ang kanyang mall tour at maganda rin ang takbo ng sales ng kanyang ikalawang album. Pero nakukulangan pa sa ginagawang promo si Yeng dahil gusto na niya itong makarating ng gold record status.

NOT A PASYON SINGER. Dahil Semana Santa ngayon, tinanong namin si Yeng kung nakakanta na ba siya sa pasyon.

Inamin ng Grand Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy na mula pagkabata hanggang ngayon ay hindi pa ito nakakakanta sa pasyon.

"Sa church po, kumakanta po ako, kasi worship leader ako. Born-again po kami at doon talaga sa church, kumakanta kami. Pero never pa po ako kumanta sa pasyon."

Para kay Yeng, ang Semana Santa ay hindi lamang panahon ng pag-oobserba sa naging sakripisyo at pagkamatay ni Hesukristo kundi pagninilay-nilay na rin sa sariling buhay natin kung naisusunod sa mga utos at aral ng Diyos.

"Bukod sa panahon ng pagsasama-sama ng pamilya ang Holy Week, ito rin ang panahon para mag-reflect sa sarili mo. Kung ano na ba ang nangyayari sa 'yo, yung paghahanap uli ng sentro mo.

"Siyempre, kapag nasa showbiz ka, marami kang bagay na naririnig at kumukuha ng atensyon mo. Dapat tingnan mo talaga sa sarili kung ano yung real o tunay. Kaya 'yon po, reflection po talaga dapat."

NO SUPERSTITION. Noon daw ay may pamahiing sinusunod ang pamilya nina Yeng na hindi naliligo kapag Biyernes Santo. Ngayon ay hindi na nila ito inoobserba, dahil ayon kay Yeng, pamahiin lang naman daw ito.

"Magkakasama kaming mga magkakapamilya tuwing Semana Santa. Naghahanda ng mga kakanin at hindi kami naglalalabas ng bahay. Pero hindi na po yung bawal maligo, pamahiin lang naman po yun," sabi pa ni Yeng.

Break na rin talaga ito ni Yeng sa showbiz commitments niya. Panahon ng pagpapahinga at pag-i-spend ng oras sa kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Yeng, nag-e-enjoy ang kanyang pamilya kapag magkakasama. Hindi kailangang maging sobrang saya, pero hindi naman nila kailangang malungkot dahil nga sa Semana Santa.

"Sobrang okey po yung Holy Week namin palagi," pagtatapos ni Yeng.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN