Ruffa Gutierrez on Holy Week: "It's the time for prayer and repenting."

"So, I think more that anything, kahit sama-sama kami ng mga anak ko, mas importante pa rin i-focus natin ang sarili natin, 'yong totoong meaning ng Holy Week, which is that Jesus died on the cross for us. So, I think, it's the time for prayer and repenting," says Ruffa Gutierrez.



Nang mapangasawa ni Ruffa Gutierrez ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas, nag-convert siya sa Islam habang nasa sa Turkey. Pero pagbalik sa Pilipinas, nang magkaproblema ang kanilang pagsasama ni Yilmaz, ay nagbalik-loob si Ruffa sa pagiging Kristiyano.



HOLY WEEK WITH KIDS. Kuwento ni Ruffa sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Kahit na nag-Istanbul ako at tumira na ako roon, pina-practice din namin ang Good Friday na hindi kami kumakain ng meat. Kahit ngayong Kristiyano ulit ako, ganun din ang pina-practice namin."

Ngayong Holy Week, ang mga anak niyang sina Lorin at Venice ang kasama ni Ruffa. Nasa Amerika kasi ngayon ang mga magulang niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.



"This year, hiwalay kami ng mga magulang ko. This Holy week kasi, nasa Las Vegas sila at nasa Los Angeles. So, ako at mga anak ko, maiiwan dito sa Pilipinas kasi may trabaho rin ako during those days.



"Basta sama-sama pa rin kami, you know, me and the kids," patuloy ng actress-TV host. "Hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta. But I'd like to bring them somewhere sa Oceanarium sa Manila. So I plan to take them there kasi 'yon ang gusto nila."

HOLY-WEEK PRACTICES. May nabago ba sa kanyang religious practices ngayong Kristiyano na siya ulit?



"Every Holy Week, sama-sama kaming buong pamilya. Every Friday, iniiwasan namin kumain ng meat. Lagi kaming kumakain ng fish, vegetables. Nagpa-fasting din kami. Nagme-meditate din kami sa lahat ng mga kasalanan na nagawa namin. Every three o'clock ng Good Friday, sama-sama, buong pamilya sa bahay at nagdadasal," lahad ni Ruffa.



Ayon pa kay Ruffa, pakiramdam niya ay may magandang nangyayari sa kanya tuwing Holy Week.



"Kasi for me, it's the time talaga na kapag may mga kaaway ako, binabati ko," sabi niya. "Kapag may gusto akong hingin, nagpa-fast ako, nagpre-pray ako. And 'yong mga blessings, patuloy pa rin dumarating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"So, I think more that anything, kahit sama-sama kami ng mga anak ko, mas importante pa rin i-focus natin ang sarili natin, 'yong totoong meaning ng Holy Week, which is that Jesus died on the cross for us. So, I think, it's the time for prayer and repenting."

CELEBRATION. Sinabi rin ni Ruffa na wala ring masama kung magsaya after Holy Week o pumunta ng beach.



"Puwede akong happy-hapy, happy na kasama ko ang pamilya ko," saad niya. "Kasi last Easter naman ay nasa Amerika kami with the family. But kailangan, Good Friday and Black Saturday, talagang it's the time for silence and for prayer.



"So puwede kaming mag-start in the week na Monday, Tuesday, and Wednesday na being happy with the family. Pero once a year lang naman ang Holy Week, e. Why don't we spend it with God rather than go to clubs?

"Pero wala namang masama kung mag-beach kayo kasi ang simoy ng hangin, minsan nakaka-inspire para sa atin para mag-isip ng ating nagawa for the whole year and how I can repent. But I think, we should also respect God's wishes and huwag naman tayo mag-nightclub-nightclub at uminum-inom. Once a year lang naman 'to."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN